Home>Entertainment>Showbiz>Andi nanganak na, Jaclyn natutuwa sa engagement

Andi nanganak na, Jaclyn natutuwa sa engagement

Andi Eigenmann and Philmar Alipayo
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo

ENGAGED couple actress Andi Eigenmann and professional surfer Philmar Alipayo welcomed their second baby, a boy named Koa last January 17. Ang panganay ng couple na si Keliana Alohi `Lilo’ Eigenmann Alipayo turned one year old last July.

The couple got engaged last December 20 pero hindi pa sila nagsi-share ng details kung kelan at saan sila magpapakasal. Natutuwa naman ang ina ni Andi, ang award-winning actress na si Jacklyn Jose hindi lamang dahil sa kanyang dalawang cute na apo na sina Lilo at Koa kundi magiging legal na ang pagsasama nina Andi at Philmar bilang mag-asawa.

Sina Andi at Philmar at mga bata ay sa Siargao na naka-base pero narito sila ngayon sa Maynila para sa first birthday celebration ni Lilo last July at 9th birthday ni Ellie nung nakaraang November. And eventually para dito na rin isilang ang kanilang bagong baby.

Nasa beach ang pamilya in Batangas nang mag-propose si Philmar kay Andi nung nakaraang buwan.

Pagtatapos ni Juancho hindi naging madali

SA darating na April 13 ay 28 years old na ang Kapuso actor-host na si Juancho Trivino at parang advance birthday gift niya sa kanyang sarili ang pag-graduate niya sa kolehiyo which took him years to finish dahil sa pagpasok niya sa showbiz.

It has always been his parents’ dream na siya’y makatapos ng pag-aaral. Last Saturday, January 17 ay nagkaroon ng virtual graduation sa De la Salle University kung saan siya nagtapos ng Bachelor’s degree in Entrepreneurship.

Hindi ikinakaila ng actor-host na hindi naging madali para sa kanya ang kanyang ginawa matapos lamang niya ang kanyang pag-aaral and he did balancing act between his showbiz career and his studies. There were many times na halos wala siyang tulog at naging dependent umano siya sa coffee vending machine sa kanyang school para hindi siya antukin.

May mga pagkakataon pa umano na sumasakay siya ng Angkas para lamang umabot sa kanyang klase. He was already a working student at that time.

Bina-balanse ni Juancho ang kanyang hosting job sa “Unang Hirit,” ang daily morning show ng GMA kung saan nagsimula ang kanilang love affair ng wife na niya ngayon na si Joyce Pring. The couple got married nung February 9, 2020. At sa kabila rin ng kanyang pag-aasawa ay pinilit pa rin ng actor-host na tapusin ang pag-aaral gaano man kahirap ang kanyang naging journey.

Ang pagtatapos ni Juancho ay dedicated niya una sa Diyos, sa kanyang parents at sa kanyang wife na si Joyce.

Mga lihim sa pagbubuntis ni Janella inilalabas na

Janella Salvador and Markus Paterson
Janella Salvador and Markus Paterson

NGAYONG ibinahagi na sa publiko ng young couple na sina Janella Salvador at Markus Paterson ang kanilang baby na si Jude Trevor Salvador Paterson na isinilang sa United Kingdom last October 20, 2020, nag-share na rin si Janella ng sikretong surprise baby shower organized and hosted by her close friend and batchmate na si Liza Soberano nung nakaraang August 2020 bago pa man sila tumulak patungong U.K. para doon isilang si Baby Jude.

“Breakfast in Tiffany” and tema ng surprise baby shower na ibinigay ni Liza kay Janella na itinaon sa pictorial preggy shoot ni Janella kasama ang kanyang glam team. Walang kaalam-alam si Janella na sa isang room ay naka-set-up na pala ang sorpresang baby shower para sa kanya ng kanyang kaibigan kung saan naroon ang pamilya ni Janella at malalapit nilang mga kaibigan gayundin si Liza at ang nobyo nitong actor na si Enrique Gil.

Kapag nagluwag na ang biyahe from U.K. ay saka lamang makakabalik ng Pilipinas sina Janella, Markus and their baby na si Jude maging ang ina at kapatid ni Janella na sina Jenine Desiderio at Russel.

Biyahe nina Anne at Erwan pabalik ng Pilipinas lalong nadelay

Anne Curtis, Erwan Heussaff and Dahlia Amelie
Anne Curtis, Erwan Heussaff and Dahlia Amelie

DAHIL sa bagong travel restrictions, lalong na-delay ang pagbabalik sa bansa ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff and their ten-month old baby na si Dahlia Amelie na isinilang sa Australia.

It was in December 2019 nang tumulak patungong Australia ang mag-asawang Anne at Erwan para doon isilang ang kanilang first baby. Baby Dahlia was born on March 2, 2020 pero sa Australia na sila inabutan ng lockdown.

Hindi pa ngayon sigurado sina Anne at Erwan kung sa Australia o sa Pilipinas gagawin ang first birthday celebration ni Baby Dahlia on March 2.

Miss na rin ni Anne ang kanyang mga kasamahan sa “It’s Showtime” maging ang kanyang Viva family .

Sa pagbabalik ni Anne sa Pilipinas ay malamang na sumabak na ito agad sa trabaho dahil marami siyang pending projects na kailangang simulan.

Tessie hindi makabalik sa Pilipinas para bisitahin ang ina

Tessie Tomas

HINDI naging madali sa veteran stand-up comedienne, actress, host-writer na si Tessie Tomas na talikuran ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para mag-retiro along with her British husband of more than 26 years, ang scientist na si Roger Pullin sa Isle of Man (IOM), isang napakagandang isla sa pagitan ng Great Britain at Ireland.

Bago ang pandemya ay madaling magpabalik-balik ng U.K. at Pilipinas si Tessie to visit her ailing mom, ang dating radio personality at veteran actress na si Laura Hermosa who is now 92 years old.

Pero dahil sa pandemya at bagong travel restrictions ay hindi natuloy ang kanyang biyahe pabalik ng Pilipinas nung nakaraang January 5 na labis niyang ikinalungkot.

Tessie’s husband na si Roger was based in the Philippines for 38 years. The couple got married in 1994 sa Ilustrado Restaurant in Intramuros, Manila which was beamed on her long-running daily morning program on TV, ang “Teysi ng Tahanan”. Roger has been very supportive sa showbiz career ni Tessie until one day ay nag-desisyon itong mag-settle sila sa Isle of Man for their retirement. Pero sa kabila nito ay malayang nakakapagbalik-balik ng U.K. at Pilipinas si Tessie not only to visit her mom but to continue her acting career when there’s an offer. Katunayan, nakagawa pa siya ng isang serye in 2018 sa ABS-CBN, ang “The Blood Sisters” na pinagbidahan ni Erich Gonzales.

Samantala, updated ang mga tagahanga at taga-suporta ni Tessie (who is our kapwa Waray) ng mga happening sa kanya at husband na si Roger sa kanilang mala-Victorian house (facing the Irish sea) in IOM sa pamamagitan ng sarili niyang YouTube channel, ang “TT: Tess Tube,” The Tessie Tomas YouTube channel.

Tessie has one son sa kanyang previous marriage, ang New York-based fashion designer na si Robin with his lawyer husband.

Subscribe, like, share and hit the button of “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube, follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger