Andi wala pang pangalan sa bagong baby

May 20, 2019
Andi Eigenmann

IN the next couple of months ay nakatakdang isilang ng aktres na si Andi Eigenmann ang second baby niya courtesy of her current boyfriend, ang surfing champion na si Philmar Alipayo na may dalawang anak na lalaki na sina Toro at Kanoa sa kanyang  previous relationships. May isa naman si Andi sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito, ang 7-year-old na si Ellie (Adriana Gabrielle Eigenmann).

Choice ni Andi ang pagiging `island girl’ dahil sa hilig niya sa beach at mag-surf na unti-unti na ring sinusundan ng kanyang anak na si Ellie.

Although hindi naman tinatalikuran ni Andi ang kanyang showbiz career, she loves to stay in the island of Siargao kung saan niya nakilala ang kanyang bagong partner na si Philmar.

Baby girl din ang magiging first baby nina Andi at Philmar pero wala pa silang napipiling pangalan at the moment.