Home>Entertainment>Showbiz>Andre at Lou nag-break pero magkaibigan pa rin

Andre at Lou nag-break pero magkaibigan pa rin

Andre Brouillette at Lou Yanong
Andre Brouillette at Lou Yanong

MAY kinalaman kaya ang distance sa break up ng ex-PBB housemates (Pinoy Big Brother: Otso) na sina Andre Brouillette at Lou Yanong? Andre is back sa kanyang family in Hawaii habang nasa Pilipinas naman with her family si Lou.

Last Wednesday, January 27 ay nag-post sa kanyang Instagram account si Andre: “I am saddened to say this but recently, Lou and I have come to a mutual understanding to move on from being a couple. We realize we’re going on different journeys in our lives and no matter how hard we tried to make it work, it isn’t meant to be. The truth is we do care for each other and always will. She is such a big part of my life, and I am ultimately so thankful to God to have her in my life. She is my best friend, and I will always support her. Thank you to everyone for being so supportive to us along the way. We really did try our best, and it saddens us for it to come to this realization. Your love and support helped us keep going countless times. We owe it to you guys to be honest about this. We love you all dearly, and don’t want you to be sad. We still be in each other’s lives forever as friends.”

Ang pag-iibigan nina Andre at Lou (who are both 23 years old) ay nabuo sa “PBB House: Otso” na nagsimulang umere nung November 10, 2018 at natapos nung August 4, 2019 with the two as 4th and 3rd runners-up, respectively. Nagpatuloy ang pag-iibigan ng dalawa hanggang sa kanilang paglabas sa bahay ni Kuya. Naging malaking challenge sa dalawa ang pagdating ng pandemya. Andre had to fly back to Hawaii habang naiwan dito sa Pilipinas ni Lou. Marami naman sa kanilang mga tagasubaybay ang nalungkot na nauwi sa hiwalayan ang dalawa na tumagal lamang nang mahigit isang taon. Pero ang maganda, naghiwalay silang magkaibigan pa rin.

Xian open pa rin sa mga dating kasamahan sa ABS-CBN

Xian Lim
Xian Lim

OPEN pa rin ang 31-year-old singer-composer, actor, director-producer na si Xian Lim na kahit nasa bakuran na siya ng Viva after 10 years of being with Star Magic (talent management arm ng ABS-CBN) kung saan siya nagsimula, na magkatrabaho sa kanyang dating home studio, with his girlfriend na si Kim Chiu (30) at iba pang Kapamilya talents. Katunayan, he had a reunion project with Kim last year(sa gitna ng pandemya) sa Kapamilya Channel sa pamamagitan ng TV series na “Love Thy Woman”.

Xian signed up with Viva nung January 23, 2018 at magmula noon ay sunud-sunud-suno na ang kanyang projects na ang pinakabago ay ang pang-Valentine presentation ng Vivamax platfom (which will be launched today, January 29), ang “Parang Kayo Pero Hindi,” ang kauna-unahang Vivamax Original Series na dinirek ni RC de los Reyes (director ng “The Way U Lie” and “Alter Me”). Kasama rin sa serye si Kylie Versoza at ang isa pang Viva contract actor na si Marco Gumabao.

Ang “Parang Kayo Pero Hindi” ay hango sa best-selling book ni Noreen Capili a.k.a. Noringai na siya ring writer ng serye.

Xian plays the role of Joaquin at Daphne naman si Kylie na naging malapit sa isa’t isa matapos silang magkakilala sa Pangasinan. Si Marco naman ang gumaganap sa papel ni Robi, ang ex-boyfriend ni Daphne (Kylie). Kasama rin sa cast sina Phoebe Walker, Francine Garcia, Gino Roque, Guji Lorenzana, CJ Jaravata at Yayo Aguila at ang mga baguhan na sina Krishha Viaje, Stacey Gabril at Thayfa Yousef.

Samantala, inamin ng singer-actor na si Xian na na-trauma siya sa recent experience nang looban ang kanyang bahay in Antipolo. Pero nagpapasalamat siya na walang nasaktan sa kanyang pamilya at mga kasamahan sa bahay. Ang payo niya sa lahat ay mas maging maingat dahil mukhang wala nang safe na lugar ngayon.

Xian has a strong relationship with her girlfriend na si Kim Chiu na bahagi na ngayon ng top-rating and long-running noontime show na “It’s Showtime” bilang isa sa hosts.

Divine ibinahagi ang COVID-19 experience

Divine Lee
Divine Lee

MARAMI ang natutuwa sa socialite, celebrity fashion blogger, host, celebrity endorser, entrepreneur na si Divine Lee dahil sa kabila ng estado nito sa lipunan ay nagpaka-down-to-earth nito sa pakikitungo nito sa kapwa, mayaman ka man o mahirap o kahit anong gender.

Baklang-bakla kung i-describe siya ng kanyang mga kaibigan o ng mga taong nakakakilala sa kanya.

Si Divine ang pinakabagong contract talent ng Viva Artists Agency (VAA) along with her two kids (with businessman Blake Go) na sina Baz (2) at Bianca (1) na katulad niya ay mga celebrity endorser na rin.

“They’re still kids kaya I need to sign on their behalf,” pahayag ni Divine who is now based in Cebu with her family but needs to travel back and forth sa Manila dahil sa kanilang business dito.

Divine married successful businessman Blake Go nung August 5, 2017 and they have two beautiful kids na sina Baz and Bianca out of IVF.

Marami rin ang nagtaka sa couple why they have to resort to an artificial process samantalang kaya naman nila pareho na magkaroon ng anak sa normal na paraan.

Divine was only 24 years old and single nang siya’y magpa-freeze ng kanyang eggs at nung siya’y mag-asawa ay prenoseso na ang embryo nilang mag-asawa by combining the eggs of Divine at sperm cells ng kanyang husband na si Blake. The testing was even done in Thailand. Nang ito’y mag-fertilize ay saka ito inilipat kay Divine at saka hinintay ang pagbubuntis kay Baz two years ago. Ang kanilang second baby na si Bianca ay produkto rin ng IVF (In vitro fertilization).

Divine and her husband na si Blake ay nagka-Covid 19 last July, the hardest part in their lives dahil they were isolated from their two kids sa loob ng 14 na araw. Since asymptomatic si Divine, sa bahay na siya nagpa-isolate habang sa hospital naman ang kanyang husband. Since maliliit pa ang kanilang dalawang anak ay hindi ng mga ito maunawaan kung bakit nakakulong sa kanilang kuwarto ang kanilang ina at hindi sila pinagbubuksan ng pintuan kahit sila’y kumakatok. Hindi rin nila nakita ang kanilang ama sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay Divine, araw-araw umano niya pinapanood ang CCTV camera sa kanilang kuwarto para makita lamang ang kanilang dalawang anak kasama ang kanilang mga yaya. That was the most painful stage and challenge sa kanyang buhay bilang isang ina.

When she and her husband both tested negative after 14 days ay saka lamang nila nakita, nalapitan at nayakap ang mga bata.

“Ang hirap,” pag-amin ni Divine.

Rosanna sa ikalawang pagkakataon sa showbiz

Rosanna Roces
Rosanna Roces

ISANG `renewed’ Rosanna Roces (48) ang tumambad sa amin nang ito’y aming nakapanayam exclusively for our “TicTALK with Aster Amoyo” YouTube channel kamakailan lamang.

Inamin ng aktres na marami umano siyang natutunan sa kanyang mga pagkakamali at pinagdaanan in the past which made her a better person as she is today.

“Ayoko na ng negatibong tao sa aking paligid,” pag-amin ng isa sa mga tampok na bituin sa first Vivamax movie na “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” (na mapapanood sa araw na ito ng Biyernes, January 29 (kung saan din tampok sina Alma Moreno, Ara Mina at Maui Taylor mula sa panulat at direksiyon ni Daryl Yap of “Jowable” fame.

Ayon sa aktres, kung naging mahina-hina lamang ang kanyang loob ay baka winakasan na niya ang kanyang buhay noon pa man pero nanatili ang kanyang mahigpit na kapit sa Diyos na siyang nagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon sa kanyang showbiz career.

“Next to God and my children (Grace and Onyok), malaking blessing sa akin si Blessy (Arias). Nang muli siyang dumating sa aking buhay ay hindi ko na siya pinakawalan,” kumpisal ni Osang (palayaw ni Rosanna).

Aminado rin si Osang na naayos umano ang kanyang buhay nang magkabalikan sila ni Blessy na kanyang pinakasalan nang dalawang beses, una sa Canada nung September 2016 at pangalawa sa isang lugar sa Antipolo officiated by Rev. Cresencio Agbayani ng LGBTS Christian church nung December 2011.

Ayon kay Osang, 15 years old pa lamang umano siya noon at 19 naman si Blessy nang una silang magkaroon ng relasyon pero 27 years silang nagkahiwalay bago sila muling pinagtagpo ng tadhana.

Ang plano noon nina Osang at Blessy ay magkaroon sila ng anak (sa ibang guy) na silang dalawa ang tatayong mga magulang. Pero nang mabuntis si Osang sa kanyang panganay na si Grace ay hindi umano kinaya ni Blessy at magmula noon ay nawalan na sila ng komunikasyon sa isa’t isa. Muling nagkaroon ng isa pang anak si Osang na si Onyok at kasunod naman dito ang pagpapakasal ni Osang kay Tito Molina pero hindi sila nabiyayaan ng anak sa loob ng kanilang 11 taong pagsasama.

It was the latter part ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa nang ma-diskubre ni Osang na may asawa’t apat na anak na pala si Tito (prior to their marriage) at dito umano gumuho ang kanyang mundo.

“May nilalagare akong movie noon at hindi ko malaman kung paano ko bibigyan ng hustisya ang role ko,” pagtatapat ni Osang.

“Numb ang buo kong katawan nang makarating sa akin ang masamang balita,” aniya.

She left showbiz for almost 13 years.

Ang writer-director at isa Business Unit Head ng ABS-CBN na si Ruel Bayani ang muling nakaisip kay Osang para ito’y isama sa hit afternoon TV series na “Bastardo” at ito na ang naging simula ng muling pagbabalik-showbiz ng ever controversial actress.

Tinaguriang TF Queen during the 90’s nang siya’y maging contract star ng Seiko Films na siyang nagbigay ng kanyang screen name na Rosanna Roces na nagkaroon pa noon ng dalawang screen names na Rosanna Mendez at Anna Maceda, Rosanna is Jennifer Adriana Cruz in real life.

It was in her 1997 movie na “Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin” na dinirek ni Carlos Siguion-Reyna under Reyna Films nang magsimula ang pagiging serious actress ni Rosanna at dito rin niya natikman ang kanyang first million peso talent fee. Magmula noon ay naging sunod-sunod na rin ang mga critically-acclaimed movies na kanyang ginawa at kasama na rito ang pelikulang “Ang Lalaki sa Buhay ni Selya,” “Ang Babae sa Bintana” at ang “La Vida Rosa” at “Presa” na nagbigay sa kanya ng Gawad Urian awards bilang Best Actress.

Inamin din ng dating sex goddess (of her generation) na ginawa niyang sentro ng kanyang buhay ang pera. Wala na umanong mahalaga sa kanya noon kundi ang pera at pati ang Diyos ay halos kalimutan na niya pero nauntog umano siya at doon niya na-realize ang kanyang mga pagkakamali.

“Kailangang pagbutihin ko na ang pangalawang pagkakataon na ibinigay sa akin ng Diyos,” pahayag niya.

Alam ni Rosanna na lahat ng bagay dito sa mundo ay lahat temporary at hiram sa Diyos.

Rosanna has five grandchildren sa kanyang dalawang anak na sina Grace at Oyok, apat kay Grace na ang panganay na si Gab (16) ay apo niya sa actor-politician na si Jolo Revilla. May isa pa siyang apo (boy) sa kanyang anak na si Onyo na si Leon (12), her second favorite grandson next to Gab.

“Sobrang napaka-lambing ni Leon at siya ang naging daan ng pagkakasundo naming muli ng tatay (Onyok) niya,” natatawang kuwento ni Osang.

Samantala, hindi ikinakaila ni Osang na matagal na umano niyang tanggap na wala na siya sa itaas.

“Mahirap sa itaas dahil mag-isa ka `run,” aniya.

“Pag nasa itaas ka, wala namang ibang step kundi ang muli mong pagbaba,” deklara niya.

Inamin ni Osang na dumanas umano siya sa pagkakataon na pati peace of mind ay gusto niyang bilhin noon. Pero ngayon ay normal na niya itong nararamdaman at nakakakutulog na umano siya nang matiwasay.

“Ang sarap pala ng pakiramdam kapag masaya ka at napapalibutan ka ng mga positibong tao,” pag-amin pa niya.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger