Andre, takot kaeksena si Jasmine

November 25, 2018
Jasmine Curtis

“Kinilig” at “natuwa” si Jasmine Curtis-Smith sa ipinarating namin sa kanya na sinabi ni Andre Paras na “take one actress” siya dahil puro take one ang mga eksena sa Pamilya Roces.

Sabi pa ni Andre, pressured siya ’pag magkaeksena sila ni Jasmine at ayaw niyang magkamali at ayaw mapahiya.

Dagdag pa ni Andre, dapat one hour bago ang eksena nila ni Jasmine kailangan ay alam na niya ang blocking niya at memorized ang lines para sumabay kay Jasmine.

“Nakaka-pressure naman ’yan! Ayun nga, kinilig, natuwa at masaya ako sa sinabi ni Andre, ibig sabihin, nagagawa ko nang tama ang mga eksena ko. Kailangang i-take one para hindi ako maging cause of delay dahil nakakahiya sa mga kasama ko at kay Direk Joel (Lamangan),” ani Jasmine.

Ginagampanan ni Jasmine sa Pamilya Roces ang role ni Pearl at love niya ang kanyang role dahil naka-relate siya. Naka-relate rin ang mom niya na nasa Australia  at para masubaybayan ang soap, nagpakabit ng Pinoy TV.

Dadalawin pala ni Jasmine ang mom niya sa Australia sa holiday season. Doon siya sa Christmas up to New Year dahil last year, hindi niya nakasama ang ina at brother niya. Mag-isa lang aalis si Jasmine, hindi kasama ang boyfriend.

Samantala, this Monday sa Pamilya Roces, palalayasin ni Rodolfo (Roi Vinzon) si Amber (Sophie Albert) sa mansion dahil nabulgar ang relasyon nila ni Hugo (Rocco Nacino). Marami pang mabubulgar na sikreto sa soap sa mga susunod na episodes.