Home>Entertainment>Showbiz>Andrea at Derek goodbye na?

Andrea at Derek goodbye na?

Derek Ramsay and Andrea Torres
Derek Ramsay and Andrea Torres

TOTOO kaya ang kumakalat na balita na hiwalay na umano ang magkasintahang Derek Ramsay (43) at Andrea Torres (30)? Ang espikulasyon na ito ay nagsimula nang mapansin ng netizens na in-unfollow na ng dalawa ang kanilang respective Instagram accounts. Wala na ring nakikitang photos na magkasama ang dalawa sa kanilang magkahiwalay na social media accounts.

Although wala pang kumpirmasyon na nagmumula kina Derek at Andrea na may kinalaman sa kanilang napapabalitang break-up, marami ang naniniwala na winakasan na ng dalawa ang kanilang relasyon na umabot lamang ng mahigit isang taon.

Kung matatandaan pa, kasama pa noon (April 2019) ni Derek ang kanyang ex-girlfriend na ngayon (of almost six years), ang modelong si Joanne Villablanca nang lumagda ang actor ng kanyang kontrata sa GMA. Pero a couple of months later ay hiwalay na ang dalawa at ang itinuturong dahilan ay si Andrea na nakatambal ng actor sa TV series na “The Better Woman” na tumagal lamang sa ere ng isang season or three months. But it was in September 2019 lamang inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Nung hindi pa hiwalay sina Derek at Joanne, bukas na noon ang athlete-actor sa kanyang planong pakasalan ang (dating) nobya na isang single parent (of a daughter). Doon din sinimulan ng actor ang kanyang bagong ipinatayong bahay sa isang exclusive subdivision in the south. Pero nang matapos ang bahay ay si Andrea na ang kanyang bagong karelasyon.

Naging open din si Derek sa kanyang mga pahayag na si Andrea na ang babaeng gusto niyang itira sa kanyang bagong bahay. Katunayan, naging regular fixture na ang aktres sa bahay ng actor at lumalabas na rin sa usapan ng dalawa ang tungkol sa pagpapakasal. Pero mukhang hindi na hahantong doon ang dalawa.

Except for his failed and short-lived marriage sa kanyang first wife na si Mary Christine Jolly kung kanino siya may isang teen-age son na si Austin, Derek has never been engaged sa lahat ng kanyang mga naka-relasyon in the past which include Kapuso singer-actress and celebrity endorser Solenn Heussaf (na may asawa’t anak na ngayon), Kapamilya actress Angelina Panganiban (one of his longest relationships), non-showbiz Alexa Amos, Viva singer-actress Cristine Reyes (na may isang anak at hiwalay na sa asawang si Ali Khatibi) at ang model na si Joanne Villablanca na halos anim na taon naging girlfriend ng actor.

Kung totoong hiwalay na ngayon sina Derek at Andrea, hindi na nagtaka ang marami sa balitang ito. Ang obserbasyon ng marami, mukhang hindi umano si Derek ang marrying type na tila napaso na sa kanyang first failed marriage.

Buboy mahal pa rin ang American ex-wife

Buboy Villa and Angillyn Gorenz
Buboy Villar, Angillyn Gorenz and their two kids Vlanz and George

AT 22, napaka-positibong tao ng dating award-winning child actor na si Buboy Villar.

Alam na ng lahat na hiwalay na rin si Buboy sa kanyang ex-partner, ang American national na si Angillyn Gorens kung kanino siya may dalawang anak, isang three-year-old na si Vlanz at more than one year old na si George na sa Amerika isinilang. Ang dalawang bata ay nasa pangangalaga ngayon ng adoptive Filipino parents ni Angillyn na malayang nadadalaw at nahihiram ng young Cebuano singer-actor. At kahit hiwalay na, magkatulong namang sinusuportahan nina Buboy at Angillyn ang mga bata.

Si Angillyn ay may dalawang taon na ring nasa Amerika at may trabaho na.

“Thankful ako sa parents ni Angillyn dahil mahal na mahal din nila ang mga bata. Hindi ko kasi sila puwedeng paalagaan sa Mama ko kasi may apat na apo din siyang inaalagaan sa mga kapatid ko,” ani Buboy.

Nagpapasalamat din siya sa kanyang pagiging YouTuber dahil ito ngayon ang pinagmumulan ng kanyang regular income. Mahigit 1-M subsribers na ang YT ni Buboy. Bukod sa kanyang dalawang anak, suportado rin niya ang kanyang separated parents.

Sa aming exclusive na panayam kay Buboy sa aming “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube channel ay inamin nito na kay Angillyn niya isinuko ang kanyang pagkalalaki. Kay Angillyn din siya na-in love nang husto at na-love at first sight umano siya nang una niya itong makita sa set ng isang TV series ng GMA.

Opisyal na naging magkasintahan sina Buboy at Angillyn in February 2016 pero nagkahiwalay sila in 2018 nang mag-desisyon ang huli na bumalik ng Amerika para maghanap ng trabaho. Angillyn was already pregnant with their second child na si George.

“Magsisinungaling ako kung hindi ko aaminin na mahal ko pa rin hanggang ngayon si Angillyn at patuloy pa rin akong umaasa na sana’y magkabalikan pa kami. Pero kapag hindi na, tanggap ko na,” pagtatapos ni Buboy.

Pagtulong ni Ryan Bang sa kapuwa Koreano nag-viral

Ryan Bang and Mr. Jang
Ryan Bang at Mr. Jang, ang Korean ramen vendor sa Las Pinas

NAG-VIRAL ang isang 76-year-old Korean national na si Mr. Jang na inabutan ng lockdown sa Pilipinas at hindi na nakabalik ng Korea dahil naubusan na siya ng pera. Nagbenta ito ng mga Korean ramen sa kalye ng Las Pinas City at tinulungan ng ilang Pinoy na nagmalasakit sa kanya. Umabot ang balitang ito sa kaalaman ng Korean ex-PBB housemate-turned actor-host na si Ryan Bang.

Hinanap ni Ryan si Mr. Jang na isa palang dating successful contractor sa South Korea na niloko roon. Mahal na mahal niya ang Pilipinas kaya pabalik-balik umano siya rito. Pero dito siya inabutan ng lockdown hanggang maubusan siya ng pera. Nag-attempt umano itong mag-suicide sa isang dagat sa Cavite pero iniligtas umano siya ng pagong. Natutulog sa kalye hanggang makarating siya ng Las Pinas kung saan siya natulungan ng isang good Samaritan.

Since hindi makakauwi ng South Korea ngayong Christmas dahil sa kanyang trabaho, minabuti niyang ibigay na lamang kay Mr. Jang ang kanyang perang pambili ng ticket para ito’y makabalik at makauwi na ng Korea. Binili rin ni Ryan ang mga panindang ramen ni Mr. Jang na hindi napigilan sa pag-iyak.

Ayon kay Mr. Jang, magmula nang magbenta siya ng ramen sa kalye ay wala ni isang Koreano na bumili sa kanya. Pawang mga Filipino ang bumibili sa kanya.

Kapag nakabalik na siya ng Korea at nakabawi sa kanyang negosyo roon, muli siyang babalik ng Pilipinas at babalikan niya ang mga taong tumulong sa kanya. Sobra-sobra rin ang kanyang pasasalamat kay Ryan Bang.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger