Andrea, nahihiya kapag ikinukumpara kay Liza

November 25, 2018
Andrea Brillantes

Hiyang-hiya si Andrea Brillantes na masabihang kamukha siya ni Liza Soberano.

“Hindi totoo, pramis, ang layo-layo,” ang sambit ni Andrea nang mahingan ng reaksyon kahapon sa mediacon ng pelikula niyang Kahit Ayaw Mo Na kasama sina Empress Schuck at Kristel Fulgar.

Hindi ba siya proud na kamukha ni Liza?

“Ang ganda-ganda kaya ni Ate Liza,” sey pa niya.

“Siyempre, ayokong maniwala, pero sa mga nagsasabi, thank you and nakakakilig kasi siyempre, Dyosa si Ate Liza compared sa akin,” dagdag pa ng young actress.

Ginagampanan ni Andrea sa Kahit Ayaw Mo Na isang composer, si Ally, at may sorpresa raw na makikita sa kanya in the film. Syempre, ayaw sabihin ng young actress kung ano ’to dahil surprise nga raw.

May love life ba siya sa pelikula?

“Hindi po lovelife, medyo crush ko lang. Panoorin n’yo na lang po,” sey pa niya.

Kinunan sa Samar ang Kahit Ayaw Mo Na na ipapalabas na sa Dec. 5 mula sa direksyon ni Bona Fajardo. Kasama rin sa movie sina Daniel Matsunaga, Neil Coleta, Allan Paule and Desiree del Valle.