Andrea napaiyak sa sorpresa ni Derek

February 15, 2020
Derek Ramsay and Andrea Torres

SA darating na May 4, 2020 ay ika-30 birthday ng Kapuso star na si Andrea Torres at siguradong may surprise birthday gift para sa kanya ang kanyang  boyfriend for almost one year na si Derek Ramsay.

Si Andrea na kaya ang ‘the one’ ni Derek na handa niyang iharap sa altar? Ang magkasintahang Derek at Andrea ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Japan with their respective parents.  Bago ito ay binigyan ng actor ng advanced Valentine’s surprise ang kanyang kasintahan nang ito’y dalhin niya sa kanyang ipinapagawang bahay kung saan may special Valentine set-up kaya napaiyak ang Kapuso actress lalupa’t meron silang tampuhan before that.

Malapit na rin ang first anniversary nina Derek at Andrea bilang magkasintahan na nabuo sa set ng kanilang TV drama series na pinagsamahan, ang “The Better Woman” na tumagal lamang sa ere ng halos tatlong buwan nung isang taon.