Andres at Julia posibleng maging mainit na loveteam

May 31, 2019
Andres Muhlach and Juliana Gomez
Andres Muhlach and Juliana Gomez

MUKHANG may mabubuong loveteam sa pagitan nina Andres Muhlach (isa sa kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales) at  kay Juliana Gomez (anak nina Ormoc mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres).

Inimbita ni Andres si Juliana sa kanilang junior and senior prom noong Huwebes, May 30,  sa The Bellevue Manila sa Alabang, Muntinlupa City.

Sinundo ni Andres si Juliana sa kanilang tahanan sa Makati. At sa event, napakagandang couple ng dalawang teens na parehong 18 years old.

Kaga-graduate lang ni Juliana sa high school sa Everest Academy Manila noong February samantalang si Andres ay nag-aaral sa Brent International School Manila kung saan siya isang varsity player.

Wala pa sa isipan ng dalawa ang pumasok sa showbiz, lalo pa’t pinagsabihan sila ng kanilang respective parents na tapusin muna ang pag-aaral kung sakaling magka-interes sila sa pag-arte. But definitely, they will make a handsome pair and a possible hot loveteam.