Andres at Juliana posibleng lumalim ang relasyon

June 03, 2019
Andres Muhlach & Juliana Gomez

Ang ex-PBB housemate-turned actor, ang Fil-Italian na si Marco Gallo ang naging escort ni Juliana Torres Gomez sa kanyang Junior and Senior Prom nung isang taon at inamin ng young actor na naging sila sandali ng kaisa-isang anak ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez.

Nito  lamang May 30, si Juliana naman ang naging prom date ng teen-age son ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Andres Muhlach at si Aga ang tumawag kay Goma (Richard) upang ipagpaalam ang kanyang unica hija (Juliana) na maging prom date ng twin brother ni Atasha.  Agad namang pumayag ang 2nd term-mayor ng Ormoc na si Richard but he asked Aga kung puwedeng patawagin  si Andres kay Juliana para siya (Andres) mismo ang magpapaalam sa kanyang anak na ginawa naman ni Andres.

Mukhang nag-enjoy sina Andres at Juliana sa prom night na ginanap sa ballroom ng Bellevue Hotel in Alabang dahil pagkatapos nito ay nagkaroon pa sila ng post prom date along with Andres’ other friends.

Si Juliana ay personal na sinundo at inihatid ni Andres sa kanilang bahay sa Forbes Park, Makati at natutuwa naman ang mag-asawang Richard at Lucy na magkaibigan na ang kanilang mga anak ng mag-asawang Aga at Charlene na matagal nang kaibigan ni Goma.

Hindi ring malayong ma-develop nang husto ang pagkakaibigan nina Andres at Juliana lalupa’t close na magkakaibigan ang kanilang respective parents.

Samantala, proud parents ang actor politicians parents ni Juliana na sina Goma at Lucy nang magtapos ng high school last Saturday, June 1 ang kanilang unica hija sa Everest Academy Manila in Taguig City.

Si Juliana ay nakatakdang mag-aral ng Political Science sa University of the Philippines ngayong pasukan kaya hindi kataka-taka kung papasukin din nito ang pulitika balang araw tulad ng kanyang mga magulang.  Si Richard ay muling na-elect (for the second time) as mayor ng Ormoc habang si Lucy ay muling nahalal sa ikatlong pagkakataon bilang kinatawan ng ika-4 ng distrito ng Leyte.