Home>Entertainment>Showbiz>Ang buhay-Amerika ni Klaudia

Ang buhay-Amerika ni Klaudia

ISA nang ganap na American citizen ang dating sexy star na si Klaudia Koronel (45) matapos ito manumpa kahapon, March 23, 2021.

Milfe Dacula sa tunay na buhay, si Klaudia ay matagal nang namimirmihan sa Amerika matapos niyang pakasalan sa Pilipinas ang kanyang ex-husband na ngayon, ang Chinese-American businessman na si Andy Zhang nung August 28, 2009 na ginanap sa Iglesia ni Kristo temple in Quezon City.

Pagkatapos ikasal ay lumipad patungong Amerika ang mag-asawa at sila’y tumuloy ng Mesa, Arizona. Para hindi ma-bored, nagtayo ng care home ang mister ni Klaudia for her at doon din siyang natutong maging care giver.

Inamin noon ni Klaudia na inalok umano siya ng pre-nuptial agreement ng kanyang dating mister pero hindi umano siya pumirma. Pagkalipas ng halos limang taon ay nauwi sa divorce ang kanilang pagsasama. Dahil dito, dumaan sa depression si Klaudia and she had several attempts ng pagsu-suicide.

Nung okey pa ang pagsasama nina Klaudia at mister ay masagana ang kanyang buhay dahil may kaya ang huli. Pero nagtatrabaho siya para maipadala niya ang pera sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Nabigyan din siya ng pera at properties ng kanyang ex-husband nang sila’y mag-divorce.

Si Klaudia ay may isang teen-age son na ngayon na anak niya sa ibang naka-relasyon bago siya nag-asawa. Naiwan ito sa kalinga ng kanyang namayapang ina at kapatid sa Laguna.

Nagtapos ng Computer Science si Klaudia sa New Era University pero hindi umano niya ito nagamit sa Amerika.

It was in June 2020 sa kasagsagan ng pandemya nang sumakabilang-buhay ang kanyang ina pero hindi umano siya nakauwi maging ang iba niyang mga kapatid na nasa iba’t ibang lugar dahil sa travel restrictions. Ni hindi man lamang daw niya nakita sa huling pagkakataon ang kanyang ina.

Although isa na siyang ganap na American citizen ngayon, marami siyang hirap at pagsubok na pinagdaanan sa Amerika.

Si Klaudia ay isa sa mga discoveries at build-up sexy stars noon ng Seiko Films ni Robbie Tan bilang kapalit noon ng ST Queen na si Rosanna Roces who went freelancer nang mag-expire ang kanyang kontrata sa Seiko Films.

Nagtatrabaho noon bilang waitress sa isang restaurant si Klaudia nang siya’y maispatan ng big boss ng Seiko Films na si Robbie Tan. Si Robbie rin ang nagbigay kay Klaudia ng kanyang screen name and she was eventually launched as a sexy star ng Seiko Films.

First movie ni Klaudia ang “Walang Dayaan, Akin ang Malaki” with Jestoni Alarcon in 1997 na sinundan ng “Linggo Lang ang Pahinga…Dapat Lang” with Anton Bernardo on same year. Ginawa rin niya ang pelikula “Pisil” in 1998 opposite Rodel Velayo at nung 1999 ay limang pelikula ang kanyang ginawa, ang “Kesong Puti” with Roy Rodrigo, “Anakan Mo Ako” with Gino Ilustre, “Hubad sa Ilalim ng Buwan” with Joel Torre at ang “Gamugamong Dagat” kung saan niya katambal si Gary Estrada. Taong 1999 din ang gawin niya ang pelikulang “Dugo ng

Birhen: El Kapitan” with Monsour del Rosario. Yun bale ang naging simula ng paggawa niya niya ng mga action movies kung saan niya nakatambal ang ilang action stars tulad ni Jeric Raval sa “Sagot Ko ang buhay Mo” in 2000, “Pasasabugin Ko ang Mundo Mo” with Lito Lapid, “Mano-Mano” with Ronnie Ricketts nung 2001. Gumawa rin siya ng sex-comedy film na “Torotot” kung saan naman niya nakatambal si Leo Martinez, ang “Kapital Ambo: Outside de Kulambo” with Eddie Garcia. Nakagawa rin siya noon ng isang TV sitcom sa GMA, ang “Kiss Muna” with Joey de Leon. Nakasama rin siya sa TV series na “Mga Anghel na Walang Langit” at “Super Inggo”.

She was nominated Best Actress ng Gawad Urian para sa pelikulang “Live Show (Toro)” kung saan niya nakatambal si Simon Ibarra.

Ang pagpasok ni Klaudia sa showbiz ang naging simula ng pagbabago ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya.

She was a battered child nung siyang bata pa at produkto ng separated parents. Maliliit pa sila nang sila’y iwan sa kalinga ng kanilang lola ng kanilang parents.

Nang mag-artitsta si Klaudia, unti-unti niyang natulungan ang kanyang pamilya lalung-lalo na ang kanyang ina at mga kapatid.

Nami-miss man ni Klaudia ang showbiz, adjusted na umano siya sa kanyang buhay ngayon sa Amerika.

Coco at Julia naispatan sa Boracay

NAG-VIRAL ang mga photos ng rumored sweethearts na Coco Martin at Julia Montes na nakitang nagtsi-check-in sa paliparan patungong Boracay. Ang mga photos ay kuha ng isang netizen na agad nakapansin at nakakilala sa dalawa.

Kahit naka-casual, tsinelas, sombrero, facemasks at dark faceshields ang dalawa ay nakilala pa rin sila ng kanilang mga nakasabay sa flight patungong Borocay.

Matagal nang nauugnay sina Coco at Julia sa isa’t isa pero hanggang ngayon ay wala pa ring pag-amin na nagmumula sa dalawa considering na pareho naman silang single.

Nagsimulang ma-link sa isa’t isa sina Coco at Julia nang sila’y magtambal sa hit primetime TV series na “Walang Hanggan” na tumagal sa ere ng dalawang taon mula 2012 hanggang 2014.

Malamang na birthday treat ni Coco kay Julia ang bakasyon nila sa Boracay. The young actress turned 26 last March 19 habang si Coco ay 39 turning 40 on November 1.

Samantala, umaasa ang mga tagahanga nina Coco at Julia na sana’ y maging guest umano si Julia sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ngayong wala nang love interest si Cardo Dalisay dahil pareho nang patay ang mga characters nina Alyana (Yassi Pressman) at Clarice Padua (Rhen Escano). Ang desisyon ay magmumula kay Coco.

Buhay ni Yorme gagawing musical movie

JOINT venture ng Viva Films at Saranggola Productions ang musical biopic na “Yorme” ni Manila Mayor Isko Moreno na pinamamahalaan ng writer, composer at director na si Joven Tan.

Si Xian Lim ang napisil para gumanap sa papel ng actor-politician na si Isko Moreno habang si McCoy de Leon naman ang gumanap as young Isko. Since malaki ang naging papel ng yumaong star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno, ang kanyang character ay gagampanan ng singer-comedian na si Janno Gibbs. Kasama rin sa nasabing pelikula sina Bela Padilla, Yassi Pressman, Bela Padilla at Coleen Garcia at iba pa. Magkakaroon din ng special guest appearance ang mga nakasama noon ni Mayor Isko sa “That’s Entertainment” na pinamunuan ni Kuya Germs.

Since musical ang tema ng pelikula, 19 na awitin ang featured sa pelikula all composed by Joven Tan.

Subscribe, share, like and press the notification button ng “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger