Home>Entertainment>Showbiz>Ang hero kids ng Magikland

Ang hero kids ng Magikland

Magikland
Magikland

ANG pelikulang ‘Magikland‘ ay isa sa sampung pelikulang kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival. Tampok dito ang apat na mga batang magbibigay buhay sa “apat na elemento” ng alamat ng Negros na sina Boy Bakunawa, Mara Marapara, Pat Patag at Kit Kanlaon. Paano ba pinili ng producer ng Brightlight Productions, ang former Congressman ng Negros Occidental na si Albee Benitez at ng kababayan niyang master filmmaker at storywriter na si Peque Gallaga (na namayapa bago natapos ang pelikula) ang young actors na gumanap na folklore characters, ang folk heroes na unang nakita sa theme park na “Magikland” sa Silay, Negros Occidental?

Magikland

Alamin natin sa direktor ng pelikula na si Christian Acuna ang tungkol sa mga karakter at mga gumanap na aktor.

“Si Boy Bakunawa ang pangunahing tauhan ng larong Magikland. Siya ang lider ng grupo.

Nilalaro niya ang online game na Magikland para takasan ang kanyang mga problema. Siya ang may pinakamaraming alam tungkol sa larong ito. Ang paglalaro nito ang paraan niya para harapin ang hamon ng pag-aalaga sa kanyang inang maysakit.

Sandata niya ang Espada ng Katapatan (Sword of Truth), na naaayon sa kanyang pagiging matapat at may-ginintuang pusong nilalang.

Ang award winning young actor na si Miggs Cuaderno ang perfect bilang strong hero at leader ng Team.”

“Si Pat Patag ay laking-kalye. Wala siyang tirahan, at magulang. Pumasok siya sa eksena nang sumakamay niya ang telepono ng top player ng Magikland game.

Medyo ‘magaspang’ si Pat pero dahil sa kanyang mga pinagdaanan, tumibay ang kanyang dibdib sa mga hamon ng Kalikasan.

Suot niya ang Baluti ng Katibayan (Armor of Resilience) na konektado kay Pawi, ang Pawikang Diyos ng Karagatan.

Ginagampanan ito ni Joshua Eugenio, na nagbigay ng perfect comedic timing at natural na karisma.

“Si Mara ang motherly figure ng grupo. Siya ang nagbibigay ng sustansya sa grupo.

Nagmumula ang galing/power niya sa Pulseras ng Kapayapaan (Bracelet of Peace). “Konektado siya kay Usasa, ang Diyosa ng Kagubatan.

Hindi nalalayo sa young actress na si Elijah Alejo ang karakter ni Mara- may pagka-maingay at walang pakialam, na swak naman sa vision namin para kay Mara.

“Small but terrible si Kit Kanlaon, bilang pinakabata pero pinakaagresibo sa grupo.

Hawak niya ang Maso ng Katapangan (Hammer of Courage) na nakakonekta kay Idikidik, ang Diyos ng Templo.

Bunsong cast si Princess Rabara, 9 na taong gulang lang nang nagsimulang mag-shoot ang pelikula, pero kinakitaan na siya ng maturity.

Mahusay siyang aktres, na inaral ang kanyang karakter sa ginawang workshop. Pinakita niya ang kakayahang gumalaw at lumaban.”