Ang kuwento ni papa Ahwel

September 02, 2019

TELERADYO personality, host, entrepreneur and philanthropist Papa Ahwel Paz would rather spend his birthday with the entertainment media and the less fortunate people kaysa i-celebrate ang kanyang kaarawan ng bongga with his family and friends.

Sa ikapitong taon, nag-celebrate si Papa Ahwel ng kanyang ika-48th birthday kasama ang kanyang media friends sa I love My Family Medical Mission with the Media in cooperation with De Los Santos Medical Center na taun-taun ginaganap sa nasabing pagamutan.  Ito’y hindi lamang suportado ng management  ng DLSMC kundi maging ng iba pang mga specialist doctors na kaiibigan ni Papa Ahwel na nagi-extend ng kanilang serbisyo for free including Dr. Jessica Dee ng Ideal Vision.

Napakalaking bagay ang yearly medical mission ni Papa Ahwel for the media dahil marami sa mga ito ay walang sariling health cards.  

Kasama sa mga services offered sa medical mission ay ang libreng X-ray, ECG, doctor’s consulations, BP and laboratory tests, eye check-up with free reading glasses at iba pa.  Provided din  ang breakfast at lunch.

Bukod sa medical mission ay regular ding tumutulong si Papa Ahwel sa ilang charitable institutions, his own way of sharing his continued blessings.

Papa Ahwel is Ruel `Ahwel’ Paz, bunso sa limang magkakapatid na lahat nakapagtapos ng kanilang pag-aaral.  Mag-isa silang iginapang noon ng kanilang inang si Gng. Leonida `Leony’ Paz nang mahiwalay ito sa kanyang namayapang mister nung mahigit isang taong gulang pa lamang si Ahwel.

“Nagdadala ako ng mga pagkain sa mga empleyado ng City Hall sa Maynila,” kuwento ni Mommy Leony.

“In 1978, nakabili ako ng rights sa isang puwesto sa may Escolta at ginawa ko itong karinderiya at beerhouse sa gabi. Doon ko kinuha at ipinagpaaaral ko sa mga anak ko at sa pang-araw-araw naming ikinabubuhay,” pagbabalik-tanaw ng ina ni Ahwel who is now 77 years old.

Panganay na anak ni Mommy Leony si Angei (Maria Resuwenia) kasunod si Rodrigo at ang kambal niyang anak na sina Romillo at Rodeo at bunso naman si Ahwel (Ruel).

Halos wala umano siyang ginastos kay Ahwel dahil consistent honor student ito from elementary up to college.

Valedictorian si Ahwel nung elementary and high school at cum laude naman in college sa Miriam College kung saan siya nagtapos ng International Studies, same course na kinukuha ng kaisa-isa niyang anak na si Maria Elijah (19) who is graduating from college this October sa De la Salle University.  Ahwel took his masters sa Denmark sponsored ng yumaong dating Presidente Cory Aquino.

He was also offered a government post ni former Pres. Cory but he declined.  In 2010, Papa Ahwel joined the family of DZMM at siya ang madalas ipadala sa iba’t ibang bansa na may kinalaman sa iba’t ibang proyekto ng nasabing istasyon kung saan siya ang nagsisilbing host.

Si Papa Ahwel din ang nagpu-provide ng showbiz news sa daily lunchtime news ng DZMM bukod pa sa kanyang nightly showbiz-oriented program wth Jobert Sucaldito.  Meron din siyang sariling franchise ng Dong Juan restaurant na matatagpuan along Mother Ignacia St. in Quezon City.

Ang doctor-wife ni Ahwel na si Maria Teresa San Juan ay nagta-trabaho sa Amerika.

Samantala, dumalo rin sa nasabing medical mission, ang kilalang radio and TV broadcast journalist na si Julius Babao, isa sa malalapit na kaibigan ni Papa Ahwel.