Ang mga Cayetano at ang ABS-CBN

February 25, 2020

MATAPOS ang Senate hearing last Monday, February 24 na may kinalaman sa renewal ng franchise ng ABS-CBN, maraming supporters at libu-libo if not millions of televiewers  ng Kapamilya Network ang umaasa na  muling mabibigyan ng panibagong pagkakataon na maipagpatuloy ang operasyon ng network lalupa’t wala naman itong nalalabag na mga alituntunin sa kanilang pagbu-broadcast.  Ito’y bukod pa sa personal na paghingi ng paumanhin on national television kay Pangulong Rodrigo Duterte ng kasalukuyang president-CEO ng network na si Carlo Lopez Katigbak kung may nagawa mang hindi tama ang kanilang network sa kanya.

Ang bola ng pagre-renew ng franchise ng operation ng ABS-CBN ay nasa mga kamay na ng Kongreso na pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano na ang yumaong ama, ang abogado at dating senador na si Renato ‘Rene’ Cayetano ay matagal na nagkaroon ng  legal radio program sa DZMM na pag-aari ng ABS-CBN. Sinasabing malaki ang naitulong nito sa political career ng mga Cayetano. Sana raw ay hindi ito makalimutan ni Speaker Cayetano. Maging ang kanyang nakababatang kapatid na si Direk Lino na mayor ngayon ng Taguig ay sa bakuran din ng ABS-CBN nagtrabaho noon bilang director.

In one way or the other ay naging malaking bahagi umano ang Kapamilya network sa mga Cayetano.