Ang nakalulungkot na katotohanan sa pelikulang Pilipino

February 09, 2019

NAKALULUNGKOT isipin na mas marami pa ring mga locally-produced films ang nilalangaw sa takilya kaysa sa mga kumikita although may mga mangilan-ngilan ding mga pelikula ang kumikita sa box office nang higit pa sa inaasahan.

May mga pelikulang palabas sa mga sinehan na halos mabibilang lamang ang tao ang nasa audience.  Lugi ang mga theater owners pero mas lugi ang mga producer dahil sila ang naglalabas ng milyun-milyon to produce a movie.

Marami na tayong mga quality films ang   nakapag-uwi ng karangalan mula sa ibang bansa ang hindi suportado ng mga manonood dito.  Kahit sa iba’t ibang local film festivals ay hindi lahat ng mga pelikulang kalahok ay kumikita o nababawi man lamang ang puhunan ng mga producer which is a sad fate.

Since bumagsak ang local movie industry in 1997, mas marami pang mga producers ang huminto sa pagpu-produce dahil na rin siguro sa iba’t ibang platform na available ngayon online.  Maging ang pagpapalabas sa free TV ng mga old and recently shown movies na paulit-ulit pa kung ipalabas plus the various TV series na ang casting ay daig pa ang mga pelikula.