‘Ang Probinsyano’ magri-resume na ng taping

June 02, 2020
Coco Martin

MAGRI-RESUME na ang taping at shooting ilang TV series at pelikula simula sa kalagitnaan ng buwang ito pero ang lahat ay kailangang sumunod sa comprehensive guidelines sa ilalim ng GCQ o general community quarantine.

Ang isa sa mga TV series na magsisimulang muli ng taping ay ang longest-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsiyano” na pinagbibidahan at dinidirek ni Coco Martin.

Bago ang kanilang pagre-resume ng taping sa darating na June 15 ay sasailalim muna ang lahat sa Covid-19 rapid testing at dapat nilang sundin ang one month lock-in sa isang location kasama na rito ang closed-door taping.  Bawal din umano ng mga alalay sa set at kani-kanya ng dala ng sarili nilang gamit sa pagkain including spoon and fork at water jugs and no food sharing. May iba pang guidelines na kailangang sundin sa set.

Siguradong magkakaroon din ng ilang pagbabago sa istorya ng “Ang Probinsyano” dahil ang iba sa kanila ay hindi muna makakasama sa taping kasama na rito ang movie queen na si Susan Roces, a senior citizen, who plays the role of Lola Flora na nag-beg off munang mag-report sa taping.

Bukod sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay magpapatuloy rin ang ibang serye ng ABS-CBN maging ang shooting ng mga pelikula ng Star Cinema, Viva Films, Regal Films at iba pang film outfits.

Lahat ng TV networks at film outfits ay mahigpit na ipapatupad ang protocol guidelines sa ilalim new normal situation.

Ngayong magpapatuloy na ang shooting ng ilang pelikula, kelan naman kaya bubuksan sa publiko ang mga sinehan na mahigit dalawang buwan na ring sarado magmula nang ipatupad ang lockdown na may kinalaman sa Covid-19 pandemic?

Samantala, marami ang nagtatanong kung matutuloy ang 2020 Metro Manila Film Festival.