Ang totoo sa diumano'y pagpapakasal nina Sarah at Matteo

February 21, 2020
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

HINDI umano totoong nagpakasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli last Thursday, February 20, 2020 dahil nasa taping si Sarah sa araw na `yon ng “The Voice Teens” mula umaga hanggang hapon at mag-aalas-kuwatro na ito natapos at may iba namang commitment si Matteo.

Ayon sa aming source, next month daw talaga ang wedding nina Sarah at Matteo.  Ang hindi lamang sigurado ay kung dito sa Pilipinas o sa ibang bansa ang kasal.

Pero habang sinusulat namin ang column na ito ay may nagsabi sa amin na malapit kina Sarah at Matteo na may malaking  news umanong lalabas about the engaged couple kahapon (Biyernes).  Ano kaya ito? Or by the time this column comes out ay nakalabas na ang big news about the young couple.  May kinalaman kaya ito sa balitang ikinasal na umano ang dalawa last February 20 na maaaring nangyari nung gabi ng February 20?

O well.  Hintayin na lamang natin ang susunod na balita about the couple dahil lalabas din naman ito sa publiko.