Ang tunay na dahilan kung bakit ’di pa tumitigil si Ai-Ai

March 05, 2019
Ai-Ai de las Alas

HANDANG-handa na ang singer-host-comedienne at local and international award-winning actress na si Ai-Ai de las Alas na magbuntis sa magiging first baby nila ng kanyang young husband na si Gerald Sibayan simula ng Enero 2020.

Sa tulong ng modern medical science, posible pa umanong magbuntis si Ai-Ai sa pamamagitan ng fertilized embryo (mula kina Ai-Ai at mister nitong si Gerald) na ililipat sa singer-comedienne para siya’y magbuntis.  By then ay 55 na si Ai-Ai.

Ayon kay Ai-Ai, gusto niyang siya ang magdala at magbuntis para muli niyang maranasan  ang pagbubuntis na 100% anak nila ni Gerald dahil hindi sila gagamit ng surrogate mother.

Masayang-masaya na ibinalita sa amin ni Ai-Ai na pareho na umano silang excited na magkaroon ng baby ng mister niyang si Gerald at umaasa siyang matutupad ito sa susunod na taon.

Nakausap namin si Ai Ai sa kanyang bagong bukas na restaurant in Ayala Malls – Cloverleaf (Balintawak), ang Ai-Sian Fusion na matatagpuan sa ikaapat na palapag ng mall.  Ito’y may kinalaman sa kanyang pang-apat na international acting award but first for the movie “School Service” na dinirek ni Louie Ignacio, the same director ng kanyang indie movie na “Area” na nakakuha ng tatlong international Best Actress awards for Ai-Ai.

Si Ai-Ai ang tinanghal na Best Actress sa 2018 Cinemalaya Independent Film Film Festival na siya namang nakapagbigay ng kanyang ika-apat na international acting award mula sa Fantasporto International Film Festvial sa Porto, Portugal kamakailan lang.

Wala si Ai-Ai para personal na tanggapin ang kanyang award kaya nanghihinayang umano siya.  There was a time naman daw na dumalo siya sa awards night ng isang international film festival kung kung saan siya nominado  pero hindi umano siya pinalad.

“Pero siyempre, iba pa rin ang pakiramdam kung ikaw mismo ang personal na tumatanggap ng award mo,” may tonong panghihinayang na tinuran ni Ai-Ai.

Sa edad na 54, sobra pa rin ang sipag ni Ai-Ai sa kanyang trabaho. Bakit kailangan pa niya itong gawin samantalang malalaki na ang kanyang mga anak  na sina Sancho, Nicolo at Sophia at nakapagtapos na ng kanilang pag-aaral?  May mga negosyo siya at nakabili na rin ng bahay sa Amerika.

“Marami kasi akong tinutulungan at umaasa sa akin,” pakli niya.

“Paghahanda na rin ito dahil kapag nagbuntis ako, isang taon akong magpapahinga,” aniya.

Bukod sa regular siyang napapanood sa Sunday musical-comedy show na “Sunday Pinasaya,” may tatlong movie project na pinagkaabalahan si Ai-Ai, one with Viva Films which she co-produces, ang “S.O.N.S. (Sons of Nanay Sabel)” kasama ang mina-manage niyang talents na Ex-Batallion, isa sa GMA Films, ang launching movie ni Super Tekla na “Kiko and Lala,”  at may bago siyang bagong movie na sisimulan sa bakuran ng Regal Entertainment. May movie rin siyang produced ng Concert Queen-turned movie producer na si Pops Fernandez, ang “Feelinnial”.