Angel dinumog, nalamog sa promo tour

October 04, 2019
Angel Locsin
Angel Locsin

DINUMOG ng libu-libong tao at fans ang final promo tour ng “The General’s Daughter” na pinangunahan ng bagong tinaguriang Action-Drama Queen na si Angel Locsin na ginanap sa Ayala Malls South Park in Alabang nung nakaraang Linggo ng hapon, September 28.  Sa rami at siksikan ng tao na umabot hanggang 4th floor atrium ng mall, kinailangang buhatin ang aktres ng mga security.

Hindi inalintana ni Angel kahit naipit at nalamog siya sa siksikan ng mga tao na gustong makalapit sa kanya maging sa ibang members ng cast na sina Pauilo Avelino, JC de Castro, Loisa Andalio, Ronnie Alonte at Ryza Cenon.

Pinasalamatan ni Angel ang libu-libong fans na dumagsa sa nasabing mall na sumuporta sa “The General’s Daughter” mula sa simula hanggang sa pagtatapos nito kagabi, October 4.

Although successful at hit din ang mga naunang primetime TV series na ginanap ni Angel, masasabing pinaka-successful ang kanyang “The General’s Daughter” dahil may mga gabi na tinatalo nito ang longest-running action-drama series ni Coco Martin, ang “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Ngayong tapos na ang “The General’s Daughter,” babalikan ni Angel ang pagpapagamot sa back ailment at paghahanda sa kasal sa businessman at film producer na si Neil Arce.

Sa final presscon ng “The General’s Daughter, ” sinabi niyang ilang buwan lamang umano siya magpapahinga at agad babalik sa kanyang trabaho.

Ganoon kasipag ang future Mrs. Neil Arce.