Angel isinugod sa ospital dahil sa dating sakit

May 27, 2019
Angel Locsin

DAPAT sana’y may pictorial in Makati last Saturday ang  actress at celebrity endorser at star ng “The General’s Daughter” action-drama TV series na si Angel Locsin for a popular  Japanese beauty brand na Mosbeau kung saan siya and celebrity endorser for 10 years now.

Pero bago pa man magsimula ang pictorial ay sinumpong ito ng pananakit ng kanyang spine kaya agad itong isinugod sa St. Luke’s Global City in Taguig City.

Mukhang bumalik na naman ang dating sakit ni Angel sa kanyang spine na naging dahilan kung bakit siya umatras sa pagganap sa iconic heroine character na  Darna sa pelikula.

Sobrang mahihirap ang mga action routines na ginagawa ngayon ni Angel sa “The General’s Daughter” kaya ito marahil ang dahilan kung bakit nag-recur ang pananakit ng kanyang likod dahil sa disc bulge in her spine.  May eksena pa umano si Angel na ginawa na naka-harness.

Thrice a week ang taping niya for “The General’s Daughter” pero wala pa tayong update kung apektado ang kanyang trabaho dahil sa pagbalik ng kanyang back injury.

Hope she gets well soon.