Home>Entertainment>Showbiz>Angel may dapat bang aminin?
Angel Locsin
Angel Locsin

Angel may dapat bang aminin?

VIRAL ngayon ang batch of photos ni Angel Locsin sa social media.

Ito ‘yung kuha ng isang netizen na in-upload niya sa kanyang Facebook account; habang nagti-taping ang aktres sa harap ng Our Lady of Grace Parish sa Caloocan City nitong October 5. Gandang-ganda raw ang netizen kaya raw niya kinunan. Walang masama dun. Dahil celebrity naman itong si Angel. Kaso nga lang, umani ito ng iba’t-ibang reaksyon.

Kitang-kita kasi sa mga larawan ang “paglapad ng katawan” ng aktres. Hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-usapan ang kanyang body figure. Nung una, inakala na buntis siya. Hindi naman imposible ‘yun lalo na’t engaged na rin siya sa kanyang fiance na si Neil Arce. Ngunit kaagad naman na pinabulaanan ng dalawa kaya mabilis na natuldukan ang nasabing isyu.

Ngayon, base sa mga nababasa naming reaksyon, baka raw may health disorder ang aktres kaya bigla na lang siyang “lumapad”. Alam naman natin lahat na naoperahan siya sa spinal cord noon na naging dahilan kung bakit ‘di na natuloy ang kanyang pagganap bilang “Darna” sa pelikula.

Sa totoo lang, wala na tayong pakialam kung tumataba itong si Angel. Wala na siyang dapat patunayan sa kanyang pagiging aktres. Dahil siya mismo walang isyu sa kanya ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan. Pero ang tanong, may dapat ba siyang aminin ukol sa diumano’y paglaki ng kanyang katawan? Jusk asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Journal