Home>Entertainment>Showbiz>Angel naayos na ang gusot sa AFP

Angel naayos na ang gusot sa AFP

Angel Locsin
Angel Locsin, Neil Arce, AttyJoji Alonzo, Atty. Freddie Villamor and Lt. General Antonio Parlade

TULUYAN nang winakasan ang iringan sa pagitan ng AFP Southern Luzon Command Chief Lt. General Antonio Parlade at ng Kapamilya star-philanthropist na si Angel Locsin. Nagkausap ang dalawa nang masinsinan nung nakaraang Sabado, November 14. Nagkapaliwanagan at na-thresh out nila kung anuman merong hindi pagkakaunawaan kung saan nadamay ang actress at kapatid nitong si Ella Colmenares sa tinatawag na `red tagging’ gayundin ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray maging ang isa pang Kapamilya young star na si Liza Soberano.

Kasama ni Angel sa meeting with Lt. Gen. Parlade ang kanyang fiancé, ang businessman-producer-director na si Neil Arce at ang legal councel ng actress na si Atty. Joji Alonzo.

Ngayong nagkaayos na sina Lt. General Parlade at Angel, pinuri naman ng una ang ginagawang pagtulong ng aktres sa mga nangangailangan.

Iba talaga ang nagagawa nang maayos na usapan.

Samahang AKTOR ni Dingdong tumulong sa Marikina

ANG bagong tatag na AKTOR, samahan ng mga Filipino actor ng Pilipinas na pinamumunuan ni Dingdong Dantes ay siyang nanguna sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga biktima ng bagyong Ulysses sa Marikina. Tumulong din sa pamamahagi ng mga tulong ang engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce maging ang ibang artista tulad nina Sunshine Dizon, Jasmine Curtis-Smith, Paolo Paraiso at iba pa.

Ang 40-year-old Kapuso Primetime King na si Dingdong ay siya riyang founding chairman ng YesPinoy Foundation.

Dulce tatlong beses ikinasal

HINDI marami ang nakakaalam na ang Asia’s Timeless Diva na si Dulce ay tatlong beses ikinasal.

It was in 1982 nang ikasal si Dulce sa isang American guy sa Amerika but it was a `marriage for convenience’ para maging legal ang kanyang pananatili doon. Sa Amerika niya isinilang ang kanyang panganay na anak na si DJ sa kanyang ex-husband, ang dating singer-actor na si Danny Cruz na ang unang wife ay ang yumaong actress na si Dorothy Joy. Three years later in 1985 ay ikinasal naman si Dulce kay Danny sa Maynila.

Bukod sa panganay nina Dulce at Danny na si DJ (38), nagkaroon pa ng dalawang anak ang (dating) mag-asawa, sina Dave (33) at Dana (27). Pero nauwi rin sila sa hiwalayan when their three kids were still young.

Ito ay naganap bago pinakasalan ni Dulce ang kanyang present husband na si Bernard Cruzata kung kanino naman siya may dalawang anak na parehong babae, sina Jemimah at Abigael. Ang panganay ng mag-asawa na si Jemimah ay sa Germany isinilang. Sa Germany dati naka-base si Bernard since he was ten years old at kung saan siya nagtapos as Naval Architect.

Bernard is ten years Dulce’s junior. Bago nagpakasal si Dulce kay Bernard ay inayos niya muna ang kanyang documents na may kinalaman sa marriage nila noon ni Danny, only for her to find out na null and void pala ang kanilang kasal dahil may bisa pa ang una niyang marriage sa Amerika. Nang maayos lahat ang mga documents, pinakasalan ni Dulce si Bernard nung April 2010 after five years in a relationship. Ngayon ay 25 years na ang kanilang pagsasama with two beautiful daughters. Ang panganay nilang si Jemimah ay 22 na.

Lahat ng limang anak ni Dulce ay kumakanta.

Ang panganay na anak ni Dulce na si Daniel Joseph or DJ ay nagtapos ng Communication Arts sa University of Santo Tomas, ang pangalawa na si David Ezra ay sa UST rin nagtapos ng Conservatory of Music habang ang pangatlo nilang anak ng ex-husband niyang si Danny na si Deborah Maria Naomi ay nagtapos naman ng Hotel & Restaurant Management also at UST.

Si DJ ay sandaling nag-serve sa US Navy at isa na ngayong businessman. Si Dave naman ay isang singer at theater actor habang si Dana ay isang financial adviser at international flight attendant ng Philippine Air Lines.

Hindi man naging maganda ang hiwalayan noon ng dating mag-asawang Dulce at Danny, ngayon ay magkaibigan na sila lalupa’t may tatlo silang anak na lahat ay professional.

Very proud naman si Dulce sa kanyang present husband na si Bernard dahil sa pagiging patient nito sa kanya sa simula pa lamang ng kanilang relasyon. Bernard is also close sa tatlong anak ni Dulce kay Danny na sina DJ, Dave at Dana at never sila nagkaroon ng conflict.

Pang- MMK o pang-Magpakailanman ang buhay ni Dulce na balak niyang gawing libro balang araw.

Please subscribe, share and like TicTalk with Aster Amoyo and follow me on my Instagram account asteramoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger