Angel nakapag-set up ng 28 tents para sa health workers

April 01, 2020
Angel Locsin
Angel Locsin

SA gitna ng iba’t ibang krisis na kinakaharap ng Pilipinas (at maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo), hindi nawawala ang agarang pagkilos na makatulong ang actress-philanthropist na si Angel Locsin.

Sa sariling pamamaraan ni Angel katuwang ang kanyang fiancé na si Neil Arce at ilang kaibigan, kanyang pinamunuan ang #UniTENTweStandPH campaign para makapag-set up ng mga tents na pahingahan ng mga medical and health workers na nasa frontline na hindi na halos nakakauwi sa kanilang mga bahay.

As of March 29, nakapag-set-up na ang grupong pinamumunuan ni Angel ng tents sa 28 hospital grounds ng Metro Manila.

At sa halip na pasalamatan at papurihan ang efforts na ito ni Angel and her team ay naba-bash pa siya ng ibang tao na  tila walang magawang maganda sa kanyang buhay.  Ito’y ipinagsawalang-kibo na lamang ni Angel pero hindi ito pinalampas ng kanyang fiancé na si Neil at ipinagtanggol ang kanyang soon-to-be-wife.