Angel tahimik kung tumulong

June 15, 2019

WALA man sa larangan ng pulitika ang Kapamilya actress na si Angel Locsin, hindi ito dahilan para hindi maging  posible ang kanyang pagtulong sa mga nangangailangan in her capacity as an actress.

Although tahimik lamang si Angel sa kanyang pagtulong laluna kapag dumarating ang mga kalamidad hindi ito naitatago sa publiko dahil ang mga taong natutulungan niya  mismo ang nagpapaalam nito.

Kamakailan lamang ay si Angel na mismo ang nagpaalam sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na meron siyang 31 scholar students na tinutulungan ngayon at labas pa ang mga ito sa mga natulungan na niya noon pa man.

Likas na kay Angel ang pagiging matulungin kaya naman patuloy din si-yang binibiyayaan sa kanyang karera bilang actress at in-demand celebrity endorser.

Hindi rin namin makalimutan ang tulong na kanyang ipinaabot sa namayapa naming kasamahan sa panulat na si Emy Abuan dahil siya ang sumagot sa burol at libing nito.

Marami nang natulungan  ang star ng “The General’s Daughter” na hindi alam ng publiko.