Angel tuloy ang pagtulong, kasal naudlot

May 30, 2020
Angel Locsin
Angel Locsin

BIHIRA ang isang katulad ng humanitarian worker and Asia’s Hero of Philanthropy awardee, ang Kapamilya actress  na si Angel Locsin na gagawin ang lahat para lamang makatulong sa kanyang kapwa.

Seven years ago sa kasagsagan ng most devastating typhoon na Yolanda in November 8 2013 which hit Eastern Visayas region na kumitil ng hindi bababa sa 10 libong katao and left hundreds of thousands homeless, isa si Angel sa agarang tumugon sa pangangailangan ng mga biktima.  Dumating pa sa punto na kailangan niyang ibenta ang kanyang most treasured car collection, ang kanyang  1970 Cheverolet Chevelle na sa Amerika pa niya binili.  She had her car auctioned at ang pinagbilhan ay itinulong niya sa mga biktima ng typhoon Yolanda.

Bukod sa typhoon Yolanda, aktibo at visible si Angel sa pagtulong kapag may iba’t ibang kalamidad ang kinakaharap ng ating mga kababayan.

Sa pagkalat ng Covid-19 virus sa ating bansa at sa iba’t ibang bahagi ng mundo, hindi nanatili lamang sa loob ng bahay si Angel. Agad kumilos ang Kapamilya actress at kanyang sinimulan ang isang fund-raising campaign sa tulong ng kanyang fiancé na si Neil Arce at ilang kaibigan at kanilang binuo ang #UniTENTweStandPH campaign na agad nakalikom ng mahigit P11-M sa loob lamang ng 19 days.  Ito’y pinakinabangan ng 135 hospitals nationwide with 246 tents set-up bukod pa sa food, medical supplies, sanitary supplies at personal protective equipments o PPEs na ipinamigay.  Pero hindi dito nagtatapos ang pagtulong ni Angel dahil ipagpapatuloy niya ang pagtulong sa pamamagitan ng kanyang itinatag na Shop & Share campaign na suportado ng marami niyang mga kasamahan sa industriya sa pamamagitan ng kanilang pagbibigay ng kanilang mga prized pre-loved items tulad ng branded bags, shows, clothes at iba pa.  Ito’y ipapa-auction at ang perang malilikom ay ipambibili ng testing kits.

Ang singer-composer, songwriter, record producer  and host na si Ogie Alcasid ay nag-donate sa Shop & Share ni Angel ng kanyang mga toy (Star Wars) collection (which he collected for over two decades.  Hindi rin nagpabaya sina Vice Ganda, Anne Curtis, Liza Soberano at iba pa.  Ipapa-auction naman ni Angel ang kanyang 2015 Dodge Durango car na ang halaga ay mula $30,495 to $62,995 sa isang brand new model.

Angel is encouraging her colleagues and  more celebrities na tumulong sa kanyang Shop & Share campaign para ipa-auction sa publiko  ang kanilang mga donasyon at ang perang kikitain ay mapupunta sa pambili ng mga  testing kit.

Samantala, ipinagpaliban  muna ng engaged couple na Angel at Neil Arce ang kanilang planong pagpapakasal dahil sa coronavirus (Covid-19) crisis.  Mas nakatuon ang attention ng dalawa ngayon sa kawanggawa.