Angel under fire

May 26, 2019
Angel Locsin

ANGEL Locsin knows when to open her mouth.

Hindi madaldal ang aktres. Lalo na noong nagsisimula pa lang sa showbiz. Kahit sa mga interview, hindi mapalabok magsasagot. Diretso lang siyang magsalita. To paraphrase a popular line, she is a woman of few words.

Kaya naman 'pag nagsalita na ang aktres, malaman. Gaya na lamang itong tweet niya: "Bakit grabe ang effort para makasira? Wala bang maibato kay @ColmenaresPh kaya kinakalat nila na komunista o NPA siya? Dahil ba gumagawa siya ng paraan para sa kapakanan ng ordinaryong tao at hindi sa ikabubuti ng mga mapagsamantalang tao? Mag-isip sana tayo." Palaban ang aktres sa kanyang paninindigan. Kaya marahil hindi na rin niya napigilan na i-share ang kanyang saloobin hinggil sa pambabatikos sa kanyang kamag-anak na si Neri Colmenares. Kumandidatong senador ang huli at natalo sa katatapos na midterm elections.

Dahil dito, binatikos at minaliit siya sa pagiging "artista lang" ng isang Twitter user na umano'y isang doktor.

It reads in parts "... Your whining here on Twitter is so embarrassing. Walang laman, eh. NPA sprouted because of the Liberal Party whom you're defending." Sinabihan pa si Angel na "go to the mountains." Buwelta ng aktres na pinalaki siya nang tama ng kanyang magulang at tinuruan siyang lumaban para sa tama. Hindi natin masisisi si Angel kung pinatulan niya ang nasabing tweet. Dahil karapatan at kailangan niyang ipagtanggol ang sarili.

Bukod sa pambabatikos sa kanya, nagka-black eye din ang lead star ng The General's Daughter sa kanyang Instagram post last May 18. Bagaman hindi niya sinabi kung paano siya nagka-blackeye, usap-usapan na natamo raw niya ito sa stunts niya sa nasabing teleserye. Aniya, hindi raw ito resulta ng  physical abuse. At nitong huli, nakagat naman siya ng aso ayon na rin sa kanyang latest IG post. To quote her caption, "ano bang nangyayari sa 'yo, ha?!"

Totoo nga bang kulelat sa ratings ang kanyang teleserye kaya siya nag-iingay sa social media para pag-usapan ang aktres? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions, text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com