Home>Entertainment>Showbiz>Angela nabiktima ng death hoax

Angela nabiktima ng death hoax

Angela Bofill
Angela Bofill

ANG death hoax among celebrities ay nangyayari hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Noong Sabado ay napabalitang `namatay’ na umano ang Latin-American singer-songwriter na si Angela Bofill (66), ang nagpasikat ng mga awiting “This Time I’ll Be Sweeter,” “Angel of the Night,” “I Try,” “Break It To Me Gently,” “Tonight I Give In.” Nang makarating ito sa buhay na buhay pang si Angela sa pamamagitan ng kanyang manager na si Rich Engel, agad siyang nag-post sakanyang social media account para i-correct ang balita.

“My manager Rich Engel just informed me that I died. Thank you everyone for reaching out. I am very much on the right side of the grass,” pahayag niya.

Si Angela who was raised in Bronx, New York, USA to a Cuban father at Puerto Rican Mother started singing at age 4 at naging professional singer sa edad na 16.

Dalawang beses siyang nagka-stroke. Una nung January 10, 2006 at pangalawa nung July 2007 which made her speech and mobilility impaired. Nag-organize ng fund-raising event ang manager at ang New York FM stations na Kiss FM and WFAN-FM para matustusan ang medical treatment ng singer-songwriter na wala palang health insurance. Ang event ay ginanap nung March 11, 2006 sa Bergen Performing Arts Center in Englewood, New Jersey, USA.

Ang singing career ni Angela was at its peak mula 1978 to 1996. She used to be married to Rich Vincent mula 1984 to 1994 at nagkaroon sila ng isang anak, a daughter na si Shauna Vincent.

“I’m glad I’m not dead yet. My stroke affected me greatly…movement, speech…I wish I could sing again. It’s a lesson in patience,” pahayag pa ni Angela sa isang panayam.

Si Angela ay nagtapos ng bachelor’s degree sa Manhattan School of Music.

Nanalong Miss Universe PH at runners up matatalino

ANG 5’7” tall na si Rabina Mateo (23) ng Iloilo City ang tinanghal na kauna-unahang Miss Universe Philippines 2020 sa ilalim ng bagong pamunuan ng Miss Universe Philippine Organization na pinamamahalaan ng Managing Director na si Shamcey Supsup-Lee, 2011 Bb. Pilipinas-Universe at 3rd runner up sa 2011 Miss Universe pageant na ginanap sa Sao Paolo, Brazil.

Bet namin si Michelle Gumabao for the crown pero pumasok lamang siya as 2nd runner-up.

Michelle was crowned Bb. Pilipinas – Globe in 2018. Siya’y elder sister ng Viva actor na si Marco Gumabao (26) at dalawa sa mga anak ng actor na si Dennis Roldan at dating model na si Loli Imperial.

In fairness, matatalino at very articulate ang limang kandidata na pumasoksa Top 5 ng Miss Universe Philippines at kasama na rito ang tinanghal na Miss Universe Philippines 2020, ang Filipino-Indian na si Rabina Mateo from Iloilo City.

Vina may bagong business

FORTY-five-year-old singer-actress and entrepreneur Vina Morales has ventured into another business bukod sa kanyang Ystilo Salon chain of business. Ang bagong negosyo ni Vina ay ang sarili niyang brand ng vinegar, bagoong at peanut butter.

Inamin ng single mom na marami umano siyang realization at natutunan during the pandemic. Kasama na rito ang pagpasok niya sa bagong negosyo at ini-enjoy umano niya ang kanyang ginagawa dahil marami na umano siyang online customers and soon, re-sellers.

Kasama niya sa business ang kanyang kapatid na si Sheila (na matagal nang hiwalay sa ex-husband nitong si Federico Moreno with whom she has four grown-up children), pati na rin sa kanilang salon business kung saan kasosyo rin nila ang kanilang youngest sister na si Shaina Magdayao. They have another sister na si Sheryl Magdayao na malamang ay involved na rin sa kanilang family business.

Samantala, although identified si Vina sa pagiging isang Kapamilya, she has two new shows sa Net25, ang weekly sitcom na “Ke Saya-Saya” kung saan niya kasama ang kanyang ex-boyfriend na si Robin Padilla at ang talent show na “Tagisan ng Galing” where she acts as one of the judges sa singing competition category.

Boy magkakaroon ng bagong TV show

NANANATILING Kapamilya ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda na malapit nang mapanood muli sa telebisyon.

Dalawa ang tumatakbong show ni Boy bago ang shutdown ng ABS-CBN sa kanilang free broadcast. Ito ay ang “Tonight with Boy Abunda” na nagsimula nung 2015 at ang kanyang long-running Saturday evening show na “Private Conversations” na nagsimula pa nung 2001.

Boy started his hosting job on TV sa GMA sa pamamagitan ng showbiz-oriented talk show na “Show & Tell” in 1994 na pinagsamahan nila ni Gretchen Barretto at kasunod na rito ang “Startalk” na pinagtambalan naman nila ni Kris Aquino. But in 1999, Boy and Kris moved to ABS-CBN to host another showbiz talk show, ang “The Buzz”. Since then, marami pang ibang programa ang dumating kay Boy tulad ng “The Bottomline,” “SNN – Showbiz News Ngayon,” “Homeboy,” “Aquino and Abunda Tonight” at ang “Tonight with Boy Abunda” among others.

Ang bagong show ni Boy ay mapapanood sa ANC at sa iba pang platform tulad ng Kumu.

Renz laglag sa unang ‘Masked Singer Pilipinas’

MALAKI ang potential na tangkilikin ng mga manonood ang local franchise (from South Korea) ng “Masked Singer Pilipinas” na nag-pilot last Saturday, 7 p.m. sa TV5 with Billy Crawford as host kasama sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli at Kim Molina as celebrity judges.

Sa apat na masked celebrity singers/contestants noong Sabado, tatlo sa mga ito ang na-save at ang nagtanggal ng mask (due to low votes mula sa judges and netizens) ay ang singer at hitmaker na si Renz Verano na nahulaan pa mismo ng isa sa judges na si Kim Molina.

Ang tatlong na-save na masked participants ay siya namang maglalaban-laban sa susunod na Sabado.

Bukod sa Pilipinas, ang “The Masked Singer” ay may mahigit na 30 franchises throughout the world kasama na ang Amerika.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger