Angeli, naloka kay Katrina

January 17, 2019
Katrina Velarde

First major concert ni Katrina Velarde ang SiKat Ako na gagawin sa New Frontier Theater sa February 1.

Produced ng Viva Live at Manila Genesis, si Paolo Valenciano ang director ng concert at guests sina Gary Valenciano, BuDakhel (binubuo nina Bugoy Drilon, Darryl Ong at Michael Pangilinan), Adlib Dancers at iba pang surprise guests.

Si Mon Faustino naman ang musical director.

Kung si Katrina lang ang masusunod, ayaw pa niya ng solo concert.

Mabuti’t hindi nakinig ang mga producer dahil naniniwala silang right time na for her na sumikat.

Naloka nga si Angeli Valenciano dahil tumanggi si Katrina na mag-guest sa isang sikat na foreign show at mag-audition sa isang international singing competition.

Pero game raw siya sa gagawing Canada tour sa March at US tour with Gary V sa April.

May mga show din siya rito bukod sa kanyang concert, kaya mas marami ang makakarinig at makakapanood sa kanyang mag-perform.

To promote SiKat Ako concert ni Katrina, ni-release ng Viva Records ang three-track all-Tagalog mini-album tampok ang mga kantang Tama Na, Ikaw Pa Rin at Kung Naging Tayong Dalawa.

The mini album could be streamed on Spotify and downloaded on iTunes.

Laging dala ni Katrina ang violet suklay na naging tatak niya. Kaya siya natawag na “Suklay Diva” ay dahil noong bata pa, ang suklay ang ginamit niyang mic sa kumalat na video na nagpasikat sa kanya.