Angelica, pinaghinalaang buntis

January 14, 2019
Angelica Panganiban

... aktres, nanghingi ng tulong sa sakit.

May sakit si Angelica Panganiban at hindi makatayo kahapon kaya hiningi na niya ang payo ng mga follower niya sa Twitter.

“Nilalagnat at inuubo ako... nag-Biogesic at Bioflu na ’ko. Pero walang effect at lalong parang hindi na ko makatayo sa bigat ng katawan ko... ano po dapat kong gawin?...” tweet ni Angelica.

Siyempre, nag-alala ang kanyang fans at kanya-kanyang payo sila ng mga dapat gawin at dapat inuming gamot.

Maraming nagpayong magpahinga lang muna siya dahil baka sa sobrang trabaho kaya siya nagkasakit.

May nagsabi ring mas maganda kung magpapa-check-up siya na sinagot naman ni Angelica ng “wala po ako time” saka sinundan ng sad emoticon.

May nagsabing kisspirin at yakapsule ang gamot at sagot na naman ng aktres, “Potek... hindi ’yan kayang gawin ng pusa ko.”

May nag-insinuate na baka iba na ang nangyayari sa kanya at sinagot din ito ni Angelica.

“Ate, kapag nagsusuka at nahihilo ka po, baka po iba na po ’yan,” komento ng netizen na obviously, ang tinutukoy ay baka buntis ang aktres.

Sagot naman ni Angelica, “Hinintay ko nga, eh. Pero sa imagination lang nangyayari. Tapos sasama na ulit pakiramdam ko.”

Well, hopefully, by this time ay maganda na ang pakiramdam ni Angelica.