Home>Entertainment>Showbiz>Angeline humihingi ng dasal para kay Mama Bob

Angeline humihingi ng dasal para kay Mama Bob

Angeline Quinto
Angeline Quinto with her Mama Bob

PATULOY na humihingi ng dasal ang 30-year-old singer-actress na si Angeline Quinto para sa kanyang adoptive mother na si Sylvia `Mama Bob’ Quinto na hanggang ngayon ay nasa ICU pa rin although nagpapakita na umano ito ng improvement.

Hindi man si Mama Bob ang biological mother ni Angeline, siya ang nagpalaki at tumupad ng mga pangarap ng singer-actress kaya ganoon na lamang niya ito kamahal nang higit pa sa isang tunay na ina.

Miko engaged na kay Kaira

Miko Raval and Kaira Dimatulac
Miko Raval and fiancee Kaira Dimatulac

IT was last December 31, 2020 when athlete, businessman, commercial model-actor Miko Raval turned to Instagram to announce his engagement sa kanyang longtime girlfriend and business partner na si Kaira Dimatulac na ginanap sa Wondaeri, Birch Forest, Chagang-do, South Korea.

Wala pang sini-share ang dalawa kung kelan ang kanilang kasal pero nakapag pre-nup shoot na rin sila.

Si Miko ay nagtapos ng Hotel, Restaurant and Institution Management sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City. He was a varsity player in basketball in high school and college at pagka-graduate ay naging in-demand siya bilang commercial model.

Miko is identified sa mga Kapamilya shows which include “Moon of Desire,”“Wild Flower,” “Ipaglaban Mo” at “The Killer Bride” kung saan siya gumanap sa papel ni Favio.

Si Miko ay 28 years old at may taas na 6’1”.

Televiewers marami nang mapagpipilian

Karla Estrada
Magandang Buhay hosts

KARLA Estrada (45), Jolina Magdangal and Melai Cantiveros celebrated the 4th anniversary ng kanilang morning talk show na “Magandang Buhay” last April sa kanilang respective homes dahil ito ang kasagsagan ng ECQ (enhanced community quarantine) sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Pilipinas dahil ca coronavirus (Covid-19).

May ilang buwan ding nahinto ang programa nina Karla, Jolina at Melai dahil bukod sa pandemya ay isa ang kanilang programa sa (pansamantalang) nagsara dahil sa pagkaka-deny ng 70 kongresista sa bagong prangkisa ng ABS-CBN. Nagpatuloy ang programa sa pamamagitan ng replay sa iba’t ibang digital platforms ng ABS-CBN at nung September 28, 2020 ay muling napanood ang mga fresh episodes ng programa.

Kung ang live episodes ng noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime” ay nagsimulang mapanood sa free TV (broadcast) sa pamamagitan ng A2Z Channel 17 last October 10 na sinundan ng “ASAP Natin `To” last Sunday, October 11 na sinundan ng mga top-rating TV ang Kapamilya Channel tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano,” “Ang Iyo Ay Akin,” “Walang Hanggang Paalam” at iba pang replay episodes ng ibang teleserye maging ang iba’t ibang hit movies, pinaghandaan naman nang husto ng “ASAP Natin `To” sa araw ito ng Linggo, October 18 na siya ring simula ng bagong Sunday musical show ng TV5, ang “Sunday Noontime Live” kung saan tampok na mga host sina Piolo Pascual, Catriona Gray, Maja Salvador, Donny Pangilinan at Jake Ejercito. Simula naman bukas, araw ng Lunes, October 19 ay mapapanood na rin sa A2Z ang morning show na “Magandang Buhay” nina Karla, Jolina at Melai.

Pagdating naman sa noontime show ay magiging apat na ang pagpipilian ng mga televiewers dahil bukod sa “Eat Bulaga” ng GMA, “It’s Showtime” ng Kapamilya Channel at A2Z Channel 11, nariyan pa ang “Happy Time” ng Net25 hosted by Janno Gibbs, Anjo Yllana at Kitkat Favia at magsisimula na rin ang bagong noontime show ng TV5, ang “Lunch Out Loud” (LOL) na tatampukan nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, K Brosas, KC Montero, Wacky Kiray at kung saan din makakasama ang social media sensation na si Mark Dubs (Mark Averilla).

Samantala, kung umaariba ngayon ang TV5 with their new entertainment programs produced by blocktime producers, hindi rin nagpapahuli ang Net25 na pag-aari ng Iglesia ni Cristo (INC). Bukod sa kanilang daily noontime show na “Happy Time,” nariyan din ang kanilang “Tagisan ng Galing – Part 2,” isang talent competition sa pag-awit at pagsayaw. Ito’y napapanood every Saturday and Sunday at 12 noon to 1 pm. The program is hosted by Ruru Madrid and Jon Lucas. Ang mga hurado sa singing edition ay sina Imelda Papin, Marco Sison, Vina Morales at Marcelito Pomoy habang sina Mia Pangyarihan, Wowie de Guzman at Joy Cancio naman sa dance portion.

Nariyan pa ang musical-sitcom na “Kesayasaya” na napapanood every Sunday at 6:30 p.m. at tinatampukan nina Robin Padilla, Vina Morales, Pilita Corrales, Darius Razon, Eva Vivar, Marcelito Pomoy, Efren Montes, Cynthia Garcia, Joel Trinidad, Zander Khan at iba pa.

Sa gitna ng pandemya ay marami pa rin ang choices ng mga televiewer sa mga programang kanilang panonoorin.

L.A. may sarili nang record label and music company

L.A.Santos
L.A.Santos

NAPAKASUWERTE ng 20-year-old singer-actor-turned entrepreneur na si L.A. Santos dahil suportado siya ng kanyang CPA and businesswoman mom na si Flor Santos sa lahat ng kanyang endeavors.

“My mom has always been there for me since I was a kid,” proud na pahayag ni L.A.

“She knows my passion and I get a 100% support from her,” dugtong pa niya.

Pago dumating ang pandemya ay naitatag na ni L.A. ang kanyang sariling record label, ang 7K Sounds which represents the more than 7 thousand islands of the Philippines. Out of 7K Sounds ay nagbuo na rin si LA ng sariling digital platform at sa kauna-unahang pagkakataon ay gagamitin niya ang platform na ito to reach out to various audiences sa buong Pilipinas at sa ating mga kababayan na nasa iba’t ibang panig ng mundo.

Simula sa darating na December 4 to 10 ay maglu-launch ang 7K Sounds ng composer’s singing/instrumental competition show on FB Live ng “The Search for the Sounds of 7K Christmas Songs” na may naghihintay na P25,000 cash sa mananalo. The show will be hosted by Gretchen Ho, Iman Francheska, Nicole Asencio at L.A. Santos to be directed by Alco Gutierrez. Tumatanggap na ang 7K Sounds ng entries para sa Christmas song composer’s competition. For inquiries ay mangyari lamang ipadala sa info@7ksounds.com.

Sa kabila ng pinagdadaanan ngayon ng mga Filipino dahil sa pandemya, hindi pa rin makakalimot ang mga Pinoy na i-celebrate ang Pasko at Bagong Taon. Ito bale ang rason kung bakit naisip ng 7K Sounds na magkaroon ng search ng bagong Filipino Christmas songs mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

“Filipinos by nature are musically-inclined. Napakarami ng mga talented composers and singers na hindi lamang nabibigyan ng pagkakataon na mailabas ang kanilang mga hidden talents at gusto namin na sa pamamagitan ng 7K Sounds ay maging daan ito para sila’ ma-discover at mailabas ang kanilang mga natatagong talento,” pahayag ng young singer-actor-entrepreneur na si L.A. Santos.

Samantala, bukod kay L.A, recording artist na rin ng 7K Sounds si Iman Francheska at iba.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)