Anne busy pa rin ngayong 2019

January 10, 2019
Anne Curtis

KUNG sobrang naging busy si Anne Curtis nung isangtaon, ganundin ang kanyang inaasahan sa taong ito na kanyang sisimulan sa kanyang first movie for the year, ang “Just A Stranger,” isang romance-drama kung saan siya gaganap sa isang babaeng may kakaibangsakit.  Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Bukod sa kanyang daily noontime show na “It’s Showtime,” nakagawa siya ng tatlong hit movies – “Sid and Aya (Not A Love Story”) na pinagtambalan nila ng Kapuso primetime king nasi Dingdong Dantes, ang action-drama movie na “Buy Bust” at ang hit Metro Manila Film Festival Movie na “Aurora” plus a sold-out major concert at the Big Dome (Araneta Coliseum) nung nakaraang August 18.  Naisingit pa niya ang kanilang much-delayed year-long honeymoon ng husband niyang si Erwan Heussaff sa South Africa last November which also marked their first wedding anniversary