Anne makakasama muli si Marco

March 15, 2019
Anne Curtis and Marco Gumabao
Anne Curtis and Marco Gumabao

PAHINGA muna ang tambalang Bela Padilla at JC Santos sa ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na flagship project ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Liza Dino. Tambalan nina Anne Curtis, Marco Gumabao at Edu Manzano muna ang isasali ng Viva Films .  Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana na siya ring nagdirek ng naunang dalawang PPP hit movies nina Bela at JC, ang “100 Tula Para Kay Estela” at “The Day After Valentine’s “  na parehong nanguna sa nasabing film festival.

“Just A Stranger” ang titulo ng first movie ni Anne for PPP at napanood na namin ang full trailer ng pelikula kung saan kakaibang Anne ang mapapanood this time in a May-December romance-drama na may kasamang suspense.

Pangalawang pagsasama na ito nina Anne at Marco na ang una ay sa MMFF entry last December ng Viva na ‘Aurora.’

Sinabi namin kay Boss Vic (del Rosario) ng Viva group of companies na sa tingin namin, si Marco Gumabao na kasama rin sa kasalukuyang palabas na ‘Ulan’ na pinangungunahan ni Nadine Lustre at Carlo Aquino, ang next important young lead actor.

Si Marco ay isa rin sa mga lead actors ng tumatakbong panghapong serye ng Kapamilya Network, ang “Los Bastardos”.