Anne, nag-ala Dingdong sa isyu ng criminal responsibility

January 23, 2019
Anne Curtis

SINEGUNDAHAN ni Anne Curtis ang pag-ayaw ni Dingdong Dantes na pag-lower ng edad ng criminal responsibility mula 15 years old to nine years old. 

Long-time ambassador ng UNICEF si Anne at sa kanyang tweet, inilabas niya ang opinion ng UNICEF Philippines tungkol sa isyu.

“Nakakalungkot isipin na ibaba nila ang criminal responsibility to the age of 9. At that age, they are still very much children. They still have a chance to change their ways if they happen to cause or get into trouble instead of being sent to jail & sentenced as an adult,” tweet ni Anne.

At least, sina Dong at Anne, eh, matapang ilabas ang kanilang opinion tungkol sa panukalang gawing batas ang pagbaba ng age ng criminal responsibility, huh! 

’Yung ibang artista, nganga! It’s as if they couldn’t care less!