Anne, Sarah ginagawang palipasan

March 30, 2020
Anne Curtis

DAHIL sa strict home quarantine policy, marami ang napilitang mamalagi sa bahay. At isa sa pinagpapalipasan ng oras ng marami ay ang panonood ng sine at drama series mula sa film site na Netflix.

Sina Sarah Geronimo at Anne Curtis ang mga Filipina actress na namamayagpag sa Netflix dahil sa kanilang trending movies.

Hindi nawawala sa Top 10 Netflix movies at series na pinapanood sa Pilipinas ang Unforgettable, ang heartwarming movie ni Sarah.

Nag-premiere ang Unforgettable sa Netflix noong March 23 at nakatatanggap ito ng positive reviews mula sa manonood.

On the other hand, hit na hit din sa Netflix ang mga pelikula na pinagbibidahan ni Anne Curtis, tulad ng Just A Stranger, Sid & Aya, Buybust, The Gifted, No Other Woman, A Secret Affair at Aurora. Sa mga Pinay actress, si Anne ang isa sa mga may pinakamaraming pelikula na napapanood sa Netflix.