Anne tinatawag na Little Erwana ang anak

July 04, 2020
Anne Curtis

HABANG nasa Australia pa ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff at ang four months old baby nilang si Dahlia Amelie, ini-enjoy muna ng couple ang pagiging hands-on parents ng kanilang first born although gusto na nilang makabalik ng Piliinas.

Last July 2, muli na namang nagsilbing stylist at photographer ni Baby Dhalia si Anne which she posted sa kanyang Instagram.

Natutuwa ang mag-asawang Anne at Erwan dahil nasubaybayan nila ang unti-unting paglaki, changes and new developments ng kanilang baby.

Baby Dhalia looks exactly like her dad na si Erwan kaya tinatawag ito ni Anne na Little Erwana.