Anne tumulong sa Pilipinas kahit nasa Australia

March 28, 2020

KAHIT nasa Australia pa ang actress-TV host at celebrity endorser na si Anne Curtis kung saan niya isinilang ang first baby nila ng kanyang mister na si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie nung nakaraang March 2, hindi ito dahilan para hindi maipaabot ang kanyang tulong sa iba’t ibang government hospitals sa pamamagitan ng kanyang Dream Machine Foundation.

Nakapagsimula na silang mamahagi ng 50 gallons at 3,000 pcs of disposable gloves each sa apat na pagamutan  tulad ng San Lazaro Hospital, Research Institute of Tropical Medicine (RITM) at Jose Rodriguez Memorial Hospital at kasunod na rito ang iba pang public hospitals in Metro Manila.  Humihingi rin si Anne ng donation para sa United Nations Children’s  Fund na kanyang nire-represent sa Pilipinas bilang National Ambassador of Goodwill.

Patuloy ding nananalangin at umaasa si Anne na sana’y magwakas na ang pandemic na ito sa buong mundo nang mabalik na sa normal ang buhay at pamumuhay ng lahat.