Home>Entertainment>Showbiz>Ano ang ipinaglalaban ni Michelle Gumabao?

Ano ang ipinaglalaban ni Michelle Gumabao?

Michelle Gumabao
Michelle Gumabao

NAGSALITA na si Michelle Gumabao tungkol sa kinasasangkutan niyang kontrobersiya.

Sa kanyang video post, inihayag ng Miss Universe Philippines 2020 2nd runner-up ang kanyang saloobin hinggil sa mga batikos na ipinupukol sa kanya. Sumentro ang usapin sa diumano’y pagwu-walk out niya sa pictorial ng mga winner na pinangungunahan ni Rabiya Mateo ng Iloilo na siyang ang nanalo bilang MUP 2020.

“I am speaking up for myself. I am empowering myself. I am fighting for my story. I am fighting for my experiences.” Ito ang bungad niyang pahayag. She spoke in straight English as she expressed her dismay on how she has been portrayed in social media. Kaya joke ng ilang netizen, wala raw silang naintindihan sa kung ano talaga ang pinupunto ng kanyang sentimyento. Una, ang fake news sa social media. Pangalawa, ang hinanakit niya sa MUP organization sa pamumuno ni Shamcey Supsup-Lee. Dahil hindi man lang daw ito naglabas ng statement hinggil sa diumano’y pagwu-walkout niya. Depensa pa niya, nagpaalam daw siya sa production team at sa MUP Creative and Events Director na si Jonas Gaffud at alam daw nila ang tunay na dahilan.

Pauli-ulit niyang binanggit ang “heard things I never should have heard” at “wasn’t supposed to hear” na lalong nag-iwan ng mas malaking palaisipan sa mga netizen, lalo na sa mga pageant afficionado. Pero nilinaw din niya na wala siyang sama ng loob sa organisasyon. Sinabi pa niyang ito ang huling pagsasalita niya hinggil sa isyu. At hindi na raw siya magpapa-interbyu hinggil dito.

Ilang araw pagkatapos lumabas ang kanyang video vlog, lumabas naman ang photo niya sa social media, kasama si Rabiya sa headquarters ng Frontrow para sa relief aid operations nito para sa mga typhoon victim sa Bicol. Dahil dito, muli na naman itong umani ng iba’t ibang reaksyon. Gaya ng komento ang isang netizen, gimik lang ba ang lahat ng ito para pag-usapan ang first-ever MUP? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Journal