Ano ang kulang kay Janella?

September 01, 2019
Janella Salvador

CHALLENGING ang role ni Janella Salvador sa teleseryeng The Killer Bride.

Bilang si Emma, siya ang katawang lupa na sinasaniban ni Camilla na karakter ni Maja Salvador - sa pilot week lang nito. Dahil sa second week nito, ipinakita na hindi pala totoong patay si Camilla. Magkakuntsaba lang pala ang dalawa para malaman kung sino ang pumatay kay Camilla. Nag-trending worldwide ang nasabing episode. Bagaman title role ang kay Maja, pivotal din ang kay Janella. Kaya malaking hamon ito sa huli dahil kailangan sabayan niya ang intensity ng acting ni Maja.

Unang bumida si Janella sa "Oh, My G!" na sinundan ng "Born for You" na kung saan nakasama niya ang dating boyfriend na si Elmo Magalona. Hindi naging matagumpay ang huling teleserye at nauwi pa sa hiwalayan at awayan ang kanilang love team. Kaya matagal bago siya nabigyan ng panibagong teleserye.

Multi-talented itong si Janella. Pero parang may kulang pa. Kahit kasi anong push sa kanya, hindi siya umangat-angat nang todo-todo. Ngayon, may naka-lineup siyang pelikula kasama si Maricel Soriano. The movie ("The Heiress" as working title) will test her appeal in the box office. It seems that everything is falling into the right place for her career. Pero bakit parang may humahadlang sa kanyang full stardom?

It is no secret that Janella now lives independently. Umalis ito sa poder ng kanyang ina na si Jenine Desiderio nang magkaroon sila ng matinding hidwaan. Claim ng dalaga, "on speaking terms" na raw silang mag-ina. But still, she seems to be adamant with her decision to shun away from her mom. Kaya tuloy nega ang dating niya sa tao. Totoo ba na hindi pinagpapala ang mga anak na suwail sa magulang? Just asking...