Home>Entertainment>Showbiz>Anthony at Rossel sinubukan pero hindi sumuko

Anthony at Rossel sinubukan pero hindi sumuko

Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna
Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna

MGA binata’t dalaga pa ang mag-asawang Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna ay close na ang inyong lingkod sa dalawa na parehong Communication Arts graduate – si Anthony sa New Era University habang si Rossel naman sa Centro Escolar University.

We first met Rossel nung ito’y nagta-trabaho pa sa isang call center in Ortigas (where we also held office for over 13 years before my retirement) habang si Anthony naman ay isa nang kilalang TV patrol reporter and radio anchor ng DZMM. Since magkalapit ang aming tanggapan noon, Rossel would sometimes pay me a visit. At ang last visit niya sa amin ay inabutan na niya kami ng wedding invitation nila ni Anthony. The couple got married on November 11, 2005 and we made sure that we attended sa isang local church ng Iglesia ni Cristo in Quezon City. Dumalo rin kami sa kanilang 11th year affirmation of their marriage nung January 14, 2019 sa isang local church ng INC in Tagaytay City. We have also attended countless of events ng mag-asawa, birthday celebrations of Anthony and their two daughters na sina Zoey (11) at Helga (10) at iba pa. That is how we treasure our friendship.

Anthony and Rossel are both devout Iglesia ni Cristo followers.

It was their common friend (from INC) na si Dra. Cathy Legaspi ang nagsilbing `cupid’ kina Anthony at Rossel. She arranged a blind date for them. Estudyante pa lamang noon si Rossel sa CEU habang si Anthony naman was already carving a name sa broadcast industry. Nagkakilala ang dalawa nung November 11, 2005 (11-11-05) at 4:11 ng hapon sa 7-Eleven ng Mendiola, Manila across Rossel’s school. Eleven years older si Anthony kay Rossel. And call it a coincidence, eleven years din ang tanda ng ama ni Rossel na si Daddy Lando sa kanyang inang si Mommy Malou.

Hiwalay na noon si Anthony sa kanyang pang-16th girlfriend na gustung-gusto umano ng kanyang parents for him pero na love at first sight siya kay Rossel. She was prettier in person, ayon kay Anthony pero si Rossel naman ay hindi masyadong na-impress kay Anthony.

Nang grumadweyt ng college siRossel, she had to stay with her OFW father in Malaysia for several months at doon niya naramdaman na nami-miss niya si Anthony na ang buong akala ay wala nang chance kay Rossel. He almost reconciled with his ex-girlfriend na gusto ng kanyang parents but lo and behold, bumalik ng Pilipinas si Rossel at muling nag-krus ang kanilang landas. In 2006, ipinagpaalam ni Anthony si Rossel sa kanyang amang si Daddy Lando naliligawan niya. Pumayag naman ito at `yun na rin ang araw na official silang naging magkasintahan.

It was in July 27, 2007 when Anthony proposed to Rossel (without a ring) sa condo na tinutuluyan niya (Rossel) at saka siya dinala sa bahay na ipinagagawa ni Anthony in Quezon City. And five months later on January 14, 2008 ay nagpakasal ang dalawa two days before Anthony’s 33rd birthday which was January 16. Rossel was 22. Honeymoon baby naman ang kanilang panganay na si Zoey who is turning 12 on September 5 habang ang kanilang second daughter na si Helga ay magi-eleven on November 3.

The couple say na nasa sentro ang Diyos sa kanilang pagsasama kaya guided sila sa lahat including their respective careers and flourishing business, ang Ka Tunying’s Café and Restaurant na meron nang 10 branches (including Clark, Tagaytay and Nueva Ecija). But just like other businesses, badly affected ito ng pandemya.

They opened their Tagaytay branch in December pero naapektuhan ito ng pagsabog ng Bulkang Taal at kasunod na rito ang pagkalat ng coronavirus. May apat na branches ng Ka Tunying sa NAIA 2 and 3 pero isinara muna nila ito ganoon din ang iba pa nilang branches in Metro Manila. Although meron silang take out and online food delivery sa ibang bukas na branch tulad ng sa Visayas Avenue in Quezon City, nag-diversify din ang mag-asawa sa re-selling their products since June and so far, it’s doing well.

Naging malaking dagok din kay Anthony ang pagkasara ng ABS-CBN.

Unang nawala ang daily morning show na “Umagang Kay Ganda”. Nawala rin ang kanyang lingguhang solo news magazine program na “Kuha Mo!” at ang kanilang radio tandem ni Gerry Baja, ang “Dos por Dos” na tumagal ng 17 taon sa DZMM Teleradyo.

Dito naman dumating ang offer ng DZRH ng Manila Broadcasting Company.

Isang buwan matapos silang magpaalam sa kanilang programa sa DZMM last July 31, magsisimula naman sina Anthony at Gerry sa kanilang bagong tahanan, ang DZRH ngayong Lunes, August 31, 5 p.m. -6:30 p.m. “Dos por Dos” pa rin ang title nito dahil naka-rehistro ito sa pangalan ni Anthony. Gayunman, personal pa rin nilang ipinagpaalam sa news and current affairs head ng ABS-CBN na si Ging Reyes ang paggamit ng titulo bilang respeto.

“Siguro, kung mahina-hina lamang ang kapit naming mag-asawa sa Diyos, baka pinanghinaan na kami ng loob,” pag-amin ni Anthony nang ito’y aming makausap sa kanilang Ka Tunying’s Café – Visayas Avenue last Wednesday afternoon.

“Alam namin na pagsubok lamang ang lahat ng ito ng Diyos kung hanggang saan ang kaya naming tanggapin at tiisin but we are always thankful to Him for all the blessings,” pahayag ni Rossel.

Unknown to many, nagsisimula na noon ang budding career ni Rossel bilang GMA talent when she was `snatched’ to marriage ng kanyang husband of almost 13 years na si Anthony. Hindi man lamang naka-take off ang career ni Rossel bilang artista.

“No regrets,” diin ni Rossel na masaya ngayon sa piling ni Anthony at ng dalawa nilang anak na sina Zoey at Helga.

“Sana ma-bless din kami ng baby boy para may magpatuloy sa apelyidong Taberna,” natatawang dugtong ni Rossel.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger