Anthony at Rossel 'di mapigilan

January 17, 2019

THERE is no stopping celebrity couple Anthony Taberna and Rossel Velasco-Taberna sa pagiging successful entrepreneurs. Last Wednesday afternoon ay binuksan nila sa publiko ang ika-walong branch ng Ka Tunying’s sa ground floor  ng  North Towers ng SM North-EDSA in Quezon City kasabay ang 44th birthday ng kilalang radio-TV broadcast journalist.

Sina Ombudsman Samuel Martires at ang 2013 Miss Universe 3rd runner-up na si Ariella `Ara’ Arida ang nag-cut ng ceremonial streamer (sa halip na ribbon) kasama ang mag-asawang Anthony at Rossel who just celebrated their 11th wedding anniversary last January 14 kasabay ang kanilang affirmation of wedding vows na ginanap sa Iglesia ni Cristo – Lokal ng EVM at The Fernwood Gardens in Tagaytay.

Naibahagi rin ni Ka Tunying na magkakaroon sila ng branch in Tagaytay within the year, their 9th branch.

Dahil sa malaking tagumpay ng Ka Tunying’s na nagsimula sa Ka Tunying’s Café along Visayas Avenue, their first and main branch, pinag-aaralan na rin umano nila ang pagkakaroon nito ng franchise sa taong ito.

Bukod sa Ka Tunying’s, ang misis ni Anthony na si Rossel ay siya ring namamahala ng sarili nilang events company, ang Outbox Media which also produces concerts.

Ang mag-asawang Anthony at Rossel ay may dalawang anak na parehong babae – sina Zoey (10) at Helga (9).