Apo ni Amalia, 'di na nakauwi para sa funeral

October 08, 2019

HINDI na nakauwi ng Pilipinas ang panganay na apo ng yumaong movie queen at veteran actress-producer na si Amalia `Nena’ Fuentes na si Alyanna Sumilang Martinez na naka-base sa Los Angeles, California, USA with husband Roy Macam and almost two years old daughter na si Adalyn Riley.

Ang dalawa niyang younger siblings na sina Alfonso at Alissa ang nag-asikaso sa pagkamatay ng kanilang Lola Nena.

Nang ma-stroke si Nena (Amalia) habang ito’y nagbabakasyon sa Seoul, Korea, si Alfonso na ang nag-alaga sa kanyang lola up the time of her death.  Hindi man aminin ni Alfonso, siya ang pinakaboritong apo ng kanyang Lola Nena.

Halos apat na taon din ang ipinaghirap ni Nena bago ito tuluyang namaalam dahil hindi na ito naka-recover pa after the stroke in October 1215.

Ayon kay Alfonso, masaya and at peace na umano ang kanyang lola kapiling ang kanyang Lolo Bobby (Romeo Vasquez), Lolo Joe (Stevens), his mom na si Liezel Sumilang-Martinez, his lolo Cheng (Muhlach) and his uncle na si Geric Stevens, ang adoptive son ng kanyang Lola Nena at Lolo Joey (Stevens).