Home>Entertainment>Showbiz>‘Apollo’ concert ni Daniel nag-top trending

‘Apollo’ concert ni Daniel nag-top trending

Daniel Padilla
Daniel Padilla

AFTER five sold-our major concerts at the Araneta Coliseum and MOA Arena in 2013, 2014, 2015 and 2017, Kapamilya heartthrob Daniel Padilla (25) concluded his first ever successful two-hour digital concert last Sunday night, October 11 billed as “Apollo: Daniel Padilla Digital Experience”.

Naging special guests ni Daniel sa kanyang digital concert ang actor, singer and musician na si Ian Veneracion and his younger brother na si JC Padilla (Jose Carlito Padilla) and his band.

All throughout his two-hour concert ay nag-top trending sa buong mundo si Daniel. Ganoon kalakas ang kanyang following.

Although nanibago si Daniel sa kanyang `new normal’ digital concert dahil wala siya sa malaking entablado at sa harap libu-libong live audience, in-enjoy niya ito dahil nasa loob ng studio (where he held the concert) ang kanyang mga mahal sa buhay including his mom na si Karla Estrada and girlfriend na si Kathryn Bernardo at executives ng ABS-CBN na naging very supportive sa kanya since the start ng kanyang career.

Daniel dedicated the classic song “Moon River” kay Kathryn.

Bago ang kanyang digital concert last Sunday night, he proved to everyone that he is truly a concert prince filling-up the Araneta Coliseum four times at isang beses sa MOA Arena.

Daniel was only 18 years old when he held his first major concert sa Big Dome nung April 30, 2013 via “Daniel Live!”. Ito’y sinundan nung April 30, 2014 sa Araneta Coliseum sa pamamagitan ng “Dos: The Daniel Padilla Concert”. Ang kanyang pangatlong sold-out concert ay ginanap sa MOA Arena nung June 2015 na pinamagatang “Most Wanted” at ang ika-apat ay sa Big Dome muli nung February 5, 2017, ang “DJ Classics: Back at the Araneta” kasunod ang “D4: Daniel Padilla Back at the Araneta” nung October 13, 2018.

DJ (for Daniel John) as he is fondly called by his family and close friends started his career ten years ago when he played supporting role sa soap opera na “Gimik” in 2010. First lead role naman niya ang “Growing Up” in 2011 na sinundan ng “Princess and I” in 2012 kung saan nabuo ang kanilang loveteam at pag-iibigan ni Kathryn Bernardo. Naging sunud-sunod na ang TV and movie team-up nina DJ at Kathryn.

Ang recently-concluded digital concert ni Daniel ay bahagi ng kanyang 10th anniversary in showbiz.

Vice Ganda babawasan na ang maanghang na jokes?

BABAWASAN na nga ba ni Vice Ganda ang kanyang (offending) jokes ngayong napapanood muli sa free TV ang “It’s Showtime” sa newly-rebranded Channel 11 na ginawa nang A2Z Channel 11? As what everybody knows, ang Channel 11 ay pag-aari ng Zoe Broadcasting Network ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Church (Worldwide). Si Brother Eddie ay nanood ng pilot episode ng “It’s Showtime” sa A2Z Channel 11 last Saturday, October 10. Isa rin si Bro. Eddie sa binati at pinasalamatan ni Vice during the show.

Samantala, tuwang-tuwa ang loyal televiewers ng Kapamilya Channel dahil napapanood na nilang muli sa free TV broadcast ang kanilang mga paboritong programa. Pero marami ang nag-aabang kung kelan din daw mapapanood sa A2Z Channel 11 ang mga news program tulad ng “TV Patrol”.

Bagong partner ni Romnick buntis na

Romnick Sarmenta and Barbara Ruaro
Romnick Sarmenta and Barbara Ruaro

MAGKAKA-BABY na ang ex-husband ni Harlene Bautista na si Romnick Sarmenta sa kanyang present girlfriend, ang indie actress na si Barbara Ruaro.

Although mas naunang nagkaroon ng ibang ka-relasyon si Harlene, mas mauuna naman ang kanyang dating mister na magkaroon ng baby sa ibang partner.

Nakatakda umanong isilang ang first baby nina Romnick at Barbara sometime in February next year kaya five months na ang ipinagbubuntis ngayon ng huli.

Sina Harlene at Romnick ay sabay na naglabas ng kanilang joint official statement nung October 2018 na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay. Ang dating mag-asawa ay may apat na anak na lahat babae – sina Zeke (20), Bo (14), Nirel (11) at Uela (7) habang ang eldest ng actress-producer na si Abijah (23), her only son ay anak niya sa Kapuso director na si Rico Gutierrez.

Harlene at Federico suportahan pero walang pakialamanan

KUNG masaya ngayon si Romnick Sarmenta, gayundin naman si Harlene Bautista na muling nakatagpo ng bagong mamahalin sa katauhan ni Federico Moreno, ang kaisa-isang anak ng yumaong Master Showman at star builder na si Kuya Germs (German Moreno).

Kung si Harlene ay may apat na anak sa dating mister na si Romnick, apat din ang anak ni Federico sa dati nitong wife na si Shiela Magdayao na kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao.

Harlene and Federico celebrated their 2nd monthsary bilang magkasintahan last October 5. It was in August 5, 2020 nang official na maging magkasintahan ang dalawa at nung September 5 sa kanilang 1st month anniversary ay saka naman ibinahagi ni Harlene sa publiko ang kanilang relasyon sa kanyang Instagram account.

Since parehong negosyante sina Harlene at Federico, nagsusuportahan silang dalawa although hindi nila pinakikialaman ang kanilang respective businesses.

Si Harlene ang namamahala ng kanilang family business, ang film outfit na Heaven’s Best na siyang nag-produce ng award-winning and critically-acclaimed movie na “Rainbow’s Sunset” na tinampukan nina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Gloria Romero mula sa direksiyon ni Joel Lamangan. May apat na movies ang naka-can ngayon at kasama na rito ang pelikulang “In the Name of the Mother,” pang Mother’s day offering na pinagbibidahan ni Snooky Serna at ang “Isa Pang Bahaghari” na tinatampukan naman nina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa mula sa pamamahala ni Joel Lamangan. Nariyan din ang “Fusion,” ang culinary comedy na pinagbibidahan ni Hero Bautista na siya ring nagdirek ng pelikula at ang joint-venture nila ng GMA Films na “Luisa Loves Luis” na siyang launching movie nina Ken Chan at Rita Daniela na dinirek ni Louie Ignacio.

Si Romnick naman ay hindi halos nawawalan ng TV project. Kasama pa rin siya sa hit and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)