Ara, Barbie sumama sa inaugural flight ng Skyjet

July 17, 2019

SINA Ara Mina at Barbie Imperial ang nanguna sa mga celebrities na naimbitahan sa grand inaugural ceremony ng direct flight from Manila to San Vicente, Palawan ng pinakabagong carrier ng Pilipinas, ang SkyJet Airlines last Tuesday, July 16, 2019 na ginanap sa pinakabagong airport ng San Vicente, Palawan.  Ito’y dinaluhan ng mga executives ng Skyjet na pinangunahan ng Chief Executive Officer na si G. Patrick Paul Tan, Dept, of Tourism (DoT), MIMAROPA, San Vicente – Local Government Unit (LGU) officials, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Civil Aeronautics Board (CAB), Manila International Airport Authority (MIAA) at iba pa.

Bukod sa San Vicente, Palawan, ang Skyjet ay lilipad na rin sa tatlo pang ibang top travel destinations tulad ng Batanes,  Coron at Camiguin  bilang panimula.

Ang regular flights from Manila to San Vicente, Palawan ay apat na beses sa loob ng isang linggo maliban lamang sa araw ng Martes, Huwebes at Sabado.

Sa pagkakaroon ng direct flight from Manila to San Vicente, Palawan, magjging convenient na ang pagbibiyahe  hindi lamang sa San Vicente kundi maging sa mga karatig na lugar at maiiwasan na ang mahabang biyahe.  Makakatulong din ito sa pag-boom lalo ng turismo sa lugar at malalapit na bayan.

Sandali namin nakausap ang CEO ng Skyjet Airlines na si G. Patrick Tan at aming binanggit sa kanya ang aming siyudad ng King of Talk na si Boy Abunda, ang Borongan City, Eastern Samar na meron nang sariling airport pero wala pang commercial flight hanggang ngayon.