Home>Entertainment>Showbiz>Ara engaged na sa non-showbiz BF, kilalanin

Ara engaged na sa non-showbiz BF, kilalanin

Ara Mina and Dave Almarinez
Ara Mina and Dave Almarinez

NOONG isang taon pa napapabalita ang 41-year-old singer-actress na si Ara Mina sa president & CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC) na may rank na Undersecretary na si Dave Almarinez from Laguna, 45. Since non-showbiz guy si Dave, naging tahimik lamang ang relasyon ng dalawa although there was a time na inamin ng singer-actress that they were exclusive dating.

Ara Mina and Dave Almarinez
Ara Mina and Dave Almarinez

It was only last Wednesday, January 12 nang i-share ni Ara ang engagement photo nila ni Dave.

“Today, I have received the most perfect gift from God. A prayer I have always been sincerely trusting Him to bring into my life.

Dave, thank you for being my answered prayer.

Thank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose.

Let us both live it with faith and love.

Yes, I will marry you!” post ni Ara sa kanyang Instagram account.

Ara has a six-year-old daughter na si Amanda Gabrielle sa dating mayor at ngayon ay vice-mayor ng Bulakan, Bulacan na si Patrick Meneses.

Parehong single sina Ara at Dave.

Si Dave ay naging topnotcher bilang Board Member ng Laguna (for one term) pero pagkatapos nito ay nag-focus na siya sa kanyang pagiging top business executive ng iba’t ibang kumpanya tulad ng Organo, Jeunese Global, Youngevity International, Inc. at Agel bago ang kanyang present position as president-CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC).

Si Dave ay nagtapos ng Political Science sa Far Eastern University, took up his Master in Public Safety Administration sa Philippine Public Safety College na sinundan ng Master in Science in Global Finance sa HKUST ganundin sa New York University Stern School of Business. He also took up Global Strategic Management Program sa Harvard Business School.

Ngayong engaged na si Ara, happy for her ang kanyang pamilya at mga kaibigan. May ilang beses na ring nagkaroon ng failed relationships in the past ang singer actress na kinabibilangan ng mga actor na sina Keempee de Leon, Polo Ravales, Jomari Yllana at ang mga non-showbiz guys na sina Raymond Yap at Patrick Meneses.

Sa kabila na sa hiwalayan nauwi ang relasyon ni Ara sa politician father ng kanyang anak na si Amanda ay nananatili nitong kaibigan ang ama ng bata na si Patrick na hindi naman nagpapabaya sa obligasyon sa kanilang anak.

Ang misyon ni Master Hanz

Master Hanz Cua
Master Hanz Cua

KAPAG dumarating ang Bagong Taon (including Chinese New Year) ay sobrang in demand ang mga fortune tellers and feng shui masters and consultants at hindi naiiba rito ang kilalang Chinese Feng Shui Master na si Master Hanz Cua.

Born to pure Chinese parents, si Master Hanz at dalawa niyang kapatid na babae ay sa Pilipinas na ipinanganak at lumaki.

Minana ni Master Hanz ang kanyang hilig sa feng shui sa kanyang ama. Pero bago niya hinarap ang pagpu-feng shui (from ancient China) ay tinapos muna niya ang dalawang magkahiwalay na kurso, nursing and computer science.

Si Master Hanz ay isang registered nurse (board passer) at nakatakda sanang magtrabaho sa ibang bansa nang agawin ang kanyang attention sa pagpu-feng shui na talagang inaral niya nang husto. Nag-aral din siya sa ibang bansa at saka niyang niyakap ang propesyong ito. Unti-unting nakilala si Master Hanz sa Pilipinas bilang feng shui master maging sa ibang bansa na mahigit dalawang dekada na niyang ginagawa.

“I came to love this profession since then,” pag-amin ni Master Hanz.

Bago ang pandemya ay halos linggu-linggo o buwan-buwan ay nasa biyahe siya hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa kung nasaan ang iba niyang mga clients.

“The pandemic stopped me from traveling. Mabuti na lamang na meron na tayong modern technology. I can still practice my feng shui consultation via video call, Facetime o di kaya sa pamamagitan ng Zoom,” pag-amin pa niya.

Para maging bihasa sa kanyang propesyon bilang feng shui master, nag-aral siya ng tarot reading sa isang universal class in Florida, USA; palm reading sa Master Chuan School of Palmistry, face and mole reading sa Soleil Trinity Resource in Malaysia; Advance Diploma in Chinese Metaphysics sa Taiwan Dahan I-Ching Academy in Taiwan, Advance Diploma in Feng Shui, Bazi & I-Ching sa EBH Institute in Singapore. Nag-aral din siya sa School of Chinese Methaphysics in same country at ang kanyang pagiging master practitioner in feng shui course kay Grandmaster Lilian Too Consultant Institute.

“I am here to help and guide people na mapaunland ang kanilang mga buhay, business, career, relationships at iba pa,” pagtatapos ni Master Hanz na matatagpuan sa kanyang tanggapan sa Level 1 ng EDSA Shangri-La Plaza.

Bukod sa feng shui, expert din siya sa face and palm reading, astrology and tarot reading. Ang kanyang Master Hanz Cua Lucky Charm Store ay matatagpuan sa Cityland Shaw Tower, Shaw Blvd., corner Saint Francis Church (in front of Lourdes School of Mandaluyong) from 10 a.m. to 5 p.m. He also shares his daily horoscope forecast sa kanyang Facebook account.

Pagkaka-link ni Derek kay Ellen si Ruffa ang may kagagawan

Derek Ramsay, Ellen Adarna and Ruffa Gutierrez
Derek Ramsay, Ellen Adarna and Ruffa Gutierrez

AFTER his recent break-up with Kapuso actress Andrea Torres, actor Derek Ramsay is back to being single kaya hindi ito kata-taka na ma-link sa ibang babae.

Kamakailan lamang ay nag-viral ang photos ni Derek kasama ang ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Ellen Adarna kung kanino siya may more than two-year-old son na si Elias Modesto. It was also last year nang aminin ng Cebuana actress that she’s seeing a new guy, isang foreigner (from Spain) na nagngangalang Carlos Lemus. Katunayan, she was supposed to fly to Spain nung nakaraang May 2020 pero hindi ito natuloy dahil sa pandemya.

Sa recent pictures nina Derek at Ellen (kung saan din kasama si Ruffa Gutierrez) sa bahay mismo ng actor (with his family) ay nakita ang pagiging extra close ng dalawa (based on their circulated photos and a short video clip posted by Ruffa).

Si Ellen na ba ang bagong girl ngayon ng Kapuso actor na si Derek?

Dahil sa mga naglabasang pictures nina Derek at Ellen ay nag-flash back tuloy ang past relationships ng dalawa with ex-flames John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

Si Derek ay ex-boyfriend ni Angelica at ex-boyfriend din niya si John Lloyd na ama ng anak ni Ellen na si Elias. Na-link din noon di JLC kay Ruffa.

Small world talaga.

Subscribe, like and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube, follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger

One thought on “Ara engaged na sa non-showbiz BF, kilalanin

Comments are closed.