Ara lumalakas ang online business

July 05, 2020
Ara Mina

ISA ang 41-year-old singer-actress at entrepreneur na si Ara Mina sa mga umaasa na sana’y muling magbukas ang ABS-CBN. 

Si Ara ay kabilangsa cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Nitong nakaraang mahigit tatlong buwang lockdown ay pinalakas ni Ara ang kanyang online business.  Bukod sa kanyang Ara’s Secret and Ara’s Colors, pinasok din ng singer-actress and food business online sa pamamagitan ng kanyang @The GreenBerry.Ph na nagbebenta online ng mga prutas, vegetables, chicken and meat products. 

Unti-unti na ring nagiging operational ang kanyang Hazelberry Café business with four branches na matatagpuan sa Angeles, Pampanga, Molino, Alabang, Ayala Mall – Feliz along Marcos Highway at sa Don  Antonio in Quezon City. 

Ang five-year-old daughter na si Amanda Gabrielle Meneses ang nagsisilbing inspirasyon ng singer-actress.

Sinabi ng actress na kahit matagal na silang hiwalay ng ama ng kanyang anak na si Bulakan, Bulacan Vice Mayor (dating mayor) Patrick Meneses ay nananatili umano silang magkaibigan at hindi umano ito nagpapabaya sa kanyang obligasyon bilang ama ni Amanda.