Ara may binalak na walang sign from God

May 27, 2019
Ara Mina

WALANG problema kay Ara Mina na gumanap na nanay ni Phoebe Walker sa bio-pic na “The Last Interview: The Mayor AntonioHalili Story.”

Maganda naman daw ang role niya bilang nanay kaya niya ito tinanggap. Isa pa, katrabaho niya sa movie si John Estrada, na nirerespeto niya bilang aktor.

“I am not getting any younger so okay na rin tumanggap ng mother role basta maganda at may kabuluhan,” pahayag pa ni Ara. “Pwede naman akong maging choosy pero basta maganda ang project kahit mother role, okay lang.”

Nag-enjoy siya working with John. Maganda ang rapport nila which is good dahil mag-asawa ang role nila sa movie.

Nabanggit din ni Ara na pinag-isipan niya ang pagtakbo bilang konsehal sa nakaraang election. Pero wala raw siyang nakuhang sign from God na dapat niya itong ituloy. Isa pa, tumakbong mayor ang kanyang ama kaya tumulong na lang siya sa kampanya.

Binuksan na rin niya for franchising ang restaurant niyang Hazel Berry Café at marami raw kailangan asikasuhin kaya din na rin niya itinuloy ang pagtakbo.

“Gusto kong i-expand ang aking business and sana maging successful ako,”dagdag pa ni Ara.