Ara may dini-date na pero ayaw ipaalam sa anak

July 20, 2019

WALA pang bagong karelasyon ngayon si Ara Mina pero umaasa siya na darating din ang kanyang `Mr. Right’ in God’s perfect time.

Ara has a five-year-old daughter, si Amanda `Mandy’ Gabrielle Meneses sa kanyang ex-boyfriend, Bulakan, Bulacan mayor Patrick Meneses, na siyang nagsisilbi niyang inspirasyon.

“Napaka-inquisitive na ni Mandy at mahilig na ring mag-bake,” ani Ara na nakasama namin sa inaugural flight ng Skyjet Air sa San Vicente, Palawan last Tuesday, July 16.

Ara admits that she’s now going out on dates pero ayaw pa umano niyang ipakilala sa kanyang anak na si Mandy until sigurado na siya sa guy.

“Ayoko kasing malito si Mandy,” paliwanag ni Ara.

Although mahirap maging isang single parent, she makes it a point na hindi siya nawawalan ng oras sa kanyang kaisa-isang anak.  At kapag may oras ay nagba-bonding umano sila out of town.

Ara will soon open her 4th branch ng kanyang Hazelberry Café in the south part ng Metro Manila and she’s glad na unti-unti nang lumalaki ang kanyang itinayong business habang patuloy pa rin ang kanyang online business ng mga beauty products, ang Ara’s Secret and soon ay ilu-launch ng Ever Bilena ang sarili niyang lipstick line, ang Ara Colours.

At 40, pangarap din ni Ara na bumuo ng sarili niyang pamilya.

Samantala, kahit matagal na silang hiwalay ni Mayor Patrick Meneses ay nananatili pa rin silang magkaibigan dahil na rin sa kanilang anak na si Mandy who spends weekends with her dad.

Still on Ara, ginagawa nito ngayon ang pelikulang “Unforgettable” with Pop Princess Sarah Geronimo under IdeaFirst Company and Viva Films na pinamamahalaan ng mag-partner na Jun Lana at Perci Intalan.

Puring-puri ni Ara ang pagiging simple at humble ni Sarah sa kabila ng status nito ngayon.  Naniniwala rin si Ara na magkakatuluyan sina Sarah at longtime boyfriend nitong si Matteo Guidicelli.