Arci break na sa bf pero walang third party

August 31, 2019
Arci Muñoz
Arci Muñoz

SA presscon ng bagong family-oriented drama series na “Pamilya Ko” na pinamamahalaan ni Raymund Ocampo, inamin ni Arci Muñoz na masaya umano siya na mapasama sa cast na kinabibilangan din ng kanyang best friend (in their U.P. days) na si JM de Guzman.  Mag-best friends din ang papel ng dalawa sa bagong serye.

Ang bagong  teleserye ng Kapamilya Network ay tinatampukan din nina Sylvia Sanchez, Joel Marquez, Alyssa Muhlach Kiko Estrada, Kid Yambao, Jairus Aquino, Maris Racal, Kira Balinger, Mutya Orquia, Raikko Mateo, Irma Adlawan, Rosanna Roces at iba pa at nakatakdang mapanood simula September 9.

Samantala, hiwalay na si Arci sa kanyang Chinese-Filipino businessman boyfriend of two years na si Anthony Ng (na ex-boyfriend din ni Erich Gonzalez). Wala umanong third party kundi mutual decision nilang dalawa ang paghihiwalay.

Bukod sa bagong TV series, may movie rin si Arci with JC Santos, ang “Open” na dinirek ni Andoy Ranay para sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula sa darating na September 13 – 19, 2019.  Ito’y joint production ng T-Rex Entertainment and Black Sheep Productions.

May isa pang movie na natapos si Arci with JM de Guzman ang “Last Fool Show” na hindi pa naipapalabas.