Home>Entertainment>Showbiz>Arci may ranggo na sa PAF

Arci may ranggo na sa PAF

Arci Muñoz
Arci Muñoz

NAKUMPLETO na ng singer-actress na si Arci Munoz ang kanyang month-long training bilang reservist ng Philippine Air Force at nung nakaraang Linggo, October 25, 2020 ay tinanggap ng actress ang kanyang certificate of completion na ginanap sa Gaerlan Auditorium, HAFRO in Clark, Pampanga. Naka-fatigue (military) uniform si Sgt. Ramona Cecilia D. Munoz, PAFRI, nang tanggapin ang kanyang certificate of completion.

Sumailalim din sa training ang singer-actor at kaibigan ni Arci na si JM de Guzman.

Si Arci ay bahagi ng bagong afternoon TV series ng Kapamilya Channel, ang “Walang Hanggang Paalam”.

Myrtle bagong apple of the eye ng controversial lawyer

Myrtle Sarrosa
Myrtle Sarrosa and Atty. Ferdie Topacio

MARAMI ang nagsasabi na ang 25-year-old ex-PBB: Teen Edition 4 Big winner turned singer-actress na si Myrtle Sarrosa ang bagong `apple of the eye’ ng celebrity lawyer-turned film producer na si Atty. Ferdie Topacio dahil sa sunud-sunod na projects na ibinibigay ng controversial lawyer sa dalaga.

Si Myrtle na isa na ngayong Kapuso ay kasama sa debut film ng Borracho Films ni Atty. Topacio, ang “Mamasapano” na pinamamahalaan ni Lawrence Fajardo. Bukod dito, si Atty. Topacio rin ang producer ng upcoming virtual concert ni Myrtle next month (November). As if these are not enough, may isa pa umanong nilulutong film project si Atty. Topacio na si Myrtle ang pangunahing bituin.

Sa pagkakaalam namin, malaki rin ang naging papel ni Atty. Topacio sa paglipat ni Myrtle sa Kapuso network.

Si Myrtle na kilalang cosplayer ay natapos ng Broadcast Communication sa University of the Philippines cum laude in 2017 matapos niyang magpalit ng kurso ng tatlong beses.

Ang kakaibang set up ng mga magulang ni Buboy

Buboy Villar and Angillyn Gorens
Buboy Villar and Angillyn Gorens

DALAWANG taon nang hiwalay ang 22-year-old singer-actor na si Buboy Villar sa kanyang American ex-partner at ina ng dalawa nilang anak na sina Vlanz Karollyn (3) at George Michael (1), si Angillyn Gorens. Pero sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay nanatili silang magkaibigan and co-parenting their two kids. Nasa Amerika ngayon si Angillyn at nagta-trabaho roon.

“Ayokong maging hadlang sa mga pangarap at plano niya (Angillyn) kaya pumayag akong maghiwalay kami kahit hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya,” pag-amin ng dating child actor.

“Ang maganda, patuloy pa rin kaming nagkakausap, nagbi-video call kasama ang mga bata. Kahit malayo siya, ipinararamdam niya sa mga bata ang pagmamahal sa kanila,” kuwento pa niya.

Ang mga anak nila ay nasa pangangalaga ng adoptive Filipino parents ni Angillyn dito sa Pilipinas.

“Ang maganda lang sa parents ni Angillyn, hindi nila ipinagkakait sa akin ang mga bata. Malaya ko silang nadadalaw at nailalabas. Napakabait nila, pinakakain pa nila ako kapag nasa kanila ako,” patuloy niya.

“Bukod sa pamilya ko, ang mga anak ko ang dahilan kung bakit ako nagsisipag sa trabaho,” aniya.

Si Buboy ay nakapagpundar ng bahay para kanyang hiwalay na parents. Although may ibang partner na ngayon ang kanyang ina, pumayag itong sa iisang bubong sila tumira ng ama ng actor.

Naging battered son noon si Buboy at battered wife naman ang kanyang ina dahil alcoholic umano ang kanyang ama. “Ayokong tumanda ako na may kimkim na galit sa aking ama. Pinatawad ko na siya pero kinausap ko siya nang masinsinan. Hindi ko naman siya puwedeng itakwil dahil ama ko siya. Since hindi ko na siya mapipigilan sa pagiging alcoholic, kinausap ko na lamang siya na huwag na niya uulitin ang ginawa niya sa Mama ko noon. Kinausap ko rin ang Mama ko na pumayag naman,” dugtong pa ni Buboy.

Although tila mahirap magsama sa iisang bubong ang dating mag-asawa lalupa’t may ibang partner na ang kanyang ina, ginawa itong posible ni Buboy.

Limang taong gulang pa lamang noon si Buboy (sa Cebu) nang sumali sa “Little Big Star” contest ng ABS-CBN. Siya ‘yung dating batang basurero na may pangarap na matulungan ang kanyang pamilya.

“Lumuwas kami ng Mama ko ng Maynila. Wala kaming matutuluyan kaya natulog kami sa Luneta before the audition at kamuntik pa kaming hindi umabot dahil ayaw na kaming papasukin ng guard ng ABS-CBN. Pinakiusapan lang ng Mama ko,” ani Buboy.

Buboy finally made it at siya ang tinanghal na grand winner at nakapag-uwi ng P250,000. Sandali siyang naging bahagi ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” at napasama sa ilang TV series ng ABS-CBN. Hanggang maispatan siya ng yumaong director na si Maryo J. de los Reyes na siyang nagdala sa kanya sa GMA7. Isinama ni Direk Maryo J. si Buboy sa “Impostora” nina Sunshine Dizon at Iza Calzado pero higit siyang nakilala nang gawin niya ang “Dyesebel” TV series ni Marian Rivera in 2008. Kasunod nito, naging sunud-sunod na ang kanyang TV at film projects.

Sa ngayon, hindi pa nagsisimula si Buboy sa bago niyang TV series sa GMA, kaya malaking tulong sa kanya ang pagiging vlogger. He has over 1M subcribers now.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)