Arjo at Maine may mga nakaligtaan dahil sa Singapore trip

June 04, 2019
Arjo Atayde and Maine Mendoza
Arjo Atayde and Maine Mendoza

NOW we know kung bakit hindi personal na natanggap ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde ang kanyang Best Supporting award mula sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last Sunday, June 2 for the movie “Buy Bust” na pinagbidahan ni Anne Curtis nung isang taon. Nagbabakasyon pala  ito sa Singapore kasama ang girlfriend na si Maine Mendoza na kamakailan lamang niya ipinakilala sa kanyang pamilya.

Although mahalaga ang Best Supporting Actor award para kay  Arjo, mahalaga rin sa actor ang kanilang bonding moment ni Maine sa Singapore.  Ito rin ang dahilan kung bakit absent si Maine sa “Eat Bulaga” last Saturday.

Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig!