Arjo at Maine, nahihirapang itago ang mga ginagawa

September 25, 2019
Maine Mendoza and Arjo Atayde
Maine Mendoza and Arjo Atayde

MARKADO ang naging performance ni Arjo Atayde sa 'The General's Daughter.'

Bagaman tuluyan nang namatay ang karakter ng aktor sa nasabing teleserye, usap-usapan pa rin ang kanyang mahusay na pagganap bilang si Ilay. Trending ang eksena nila ni Emilio Garcia; at lalong maraming umiyak nang mamatay silang dalawa ng kanyang Nanang Isabel na ginampanan ni Maricel Soriano.

Pero mas usap-usapan ang madalas na out-of-the-country trips nilang dalawa ni Maine Mendoza. Since they announced that they were exclusive dating, the two have already made trips in Taiwan, Singapore, Indonesia and USA. At nitong huli, naisingit nila sa kanilang busy schedule ang trip nila sa Japan. Basta gusto, may paraan, 'ika nga. They try to keep their relationship private by not sharing their bondings on social media. But netizens who take selfies with the couple do otherwise. Sa panahon ngayon, mahirap para sa mga celebrity gaya nila ang magtago. Bagaman open naman sila sa kanilang "exclusive datings," hanggang ngayon hindi pa rin nila inaamin ang official status ng kanilang relasyon. Their actions speaker louder than their statements.

Sa ngayon, maganda ang takbo ng career ni Arjo. He is blessed to enjoy having both a blooming career and lovelife. Halos nasa kanya na lahat. Pero sa pagiging artista, kailangan pa rin niyang patunayan na kaya niyang magdala ng sariling pelikula sa takilya. 'Yun na lang ba ang kulang sa kanya bilang artista? Just asking...

Disclaimer:

For reactions, text or call 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.